Chapter 8: Athena is back!

22 2 0
                                    

Trixie's POV

Ilang araw nadin ang nakalipas matapos ang nangyari sa cafeteria. Normal na ang lahat. Maayos na klase, maayos na pag - aaral pero hindi padin nawawala ang alitan at siraan na hindi naman nawawala sa klase.

Akala ko magiging maayos na ang lahat pero hindi pa pala at mukhang hindi na talaga.

Maaga akong pumasok ngayon. Kahit hindi pa naman ako nahuhuli sa pagpasok, mas maaga lang talaga ang dating ko ngayon.

Kahit madilim at patay sindi ang ilaw sa hallway papunta sa room namin, hindi ako nakaramdam ng takot o pangamba.

Itinulak ko ang pinto para makapasok pero nakasara ito. Ilang beses kong pinihit ang doorknob pero nakasara talaga ito.

" Hello? May tao ba diyan? " 

Hinampas hampas ko ng mahina ang pinto. Sinilip ko ang bintana pero parang may kung anong bagay ang nakatakip dito.

Bakit naman kaya nakasarado ang room? Ang alam ko ay hindi sinasara ang mga rooms maliban na lang kung may tao sa loob. Di bale, pupunta na lang ako sa security para pabuksan ang room. Pagkatalikod ko ay narinig kong nagbukas ang pinto.

" Trixie? " ---- si Nathalie

Sobrang likot ng kanyang mga mata na tila ba'y nagmamasid - masid.

" Bilisan mo, pumasok ka na! " 

Nagmadali ako at pumasok sa room. Muntik na akong mapatili sa nadatnan ko sa loob pero tinakpan ni Nathalie ang bibig ko.

" Shhh! Trixie huminahon ka! " gigil na gigil na bulong ni Nathalie

Kinalma ko ang sarili ko at muling tinignan ang nakabigting katawan ni Julie.

Tumutulo sa sahig ang dugo niya na dumadaan sa mga daliri niya sa paa at gumegewang - gewang ang walang buhay niyang katawan. 

" Trixie bibitawan na kita. Huwag kang sumigaw " 

Mabilis akong tumango at dahan - dahan niyang tinanggal ang nakatakip niyang kamay sa aking bibig. 

Lumingon lingon ako. Halos lahat ng mga kaklase ko ay nandito. Tulala sila at takot na takot. Lahat sila ay iisa lang ang tinitignan.

Ang mga nakasulat sa blackboard gamit ang sariling dugo ni Julie..... Ang mga katagang " ATHENA IS BACK! "

" I can't take it anymore!  Aalis na ko " 

Tumayo si Andrea at pinilit lumabas pero itinulak siya ni Nathalie dahilan para mapasandal ito sa nakabigting bangkay.  Agad itong napangiwi sa sobrang pandidiri.

" Gaga ka ba Andrea? Hindi natin to pwedeng ipaalam sa iba lalo na sa faculty " 

The School Tradition: The Shout of silenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon