Chapter 6: Red Rose

20 3 0
                                    

Chapter 6: Red Rose

Trixie's POV

Isang linggo nadin makalipas matapos ang insidente. Isinuspende muna ang klase dahil kalat na kalat na sa bansa ang nangyaring pagpapakamatay ni Joel. Pero bukas, babalik na naman sa dati ang lahat.

Makakalimutan na naman ng lahat ang nangyari. Magsisimula na naman ang panibagong kabanata at maiiwan na naman ako sa takot at kaba.

" Trixie handa ka na ba bukas? " 

" Opo ate " matipid kong sagot

Bukas na ang klase. Bukas ko narin muling masisilayan ang mga inosente at mala - anghel na mukha. Sawa at pagod na akong umiyak.

Ayokong ubusin ang lakas ko sa pag - iyak lamang. Kailangang may gawin ako kailangang maging matatag ako hindi lang para sa sarili ko kundi para narin sa mga taong pinapahalagahan ko.

Isang tunog ng alarm clock ang nagpagisig sa natutulog kong katawan. Bumangon ako at ginawa ang palagi kong ginagawa bago pumasok. Isinakay ako ni ate sa kotse at hinatid sa school.

" Ate dito nyo nalang ako ibaba " 

Bumaba ako sa tapat ng gate. Bafo pumasok ay humunga ako ng malalim.

Kagaya ng inaasahan, puno ng tawanan at kulitan ang bawat lugar na aking madaanan hindi alintana ang nangyari ng mga nakaraang araw------ na parang walang namatay.

Matapos kumuha ng gamit sa locker ay dumiretso na ako sa basement kung saan nandoon ang room na puno ng sikreto, ang fourth year scorpio. 

Habang naglalakad sa hallway ay may humarang sa akin sina Kepler at Violet. 

" Trixie,  Trixie,  Trixie. Anong mukha yan? Mukhang nalugi! " sabi ni Violet sabay tawa ni Kepler

Sa sobrang inis ay taas noo ko silang tinaasan ng kilay.

" Eh anong tawag sa pagmumukha niyong dalawa? Mukhang aso? "

Itinaas ni Violet ang kanan niyang kamay at akmang sasampalin ako pero natigilan siya nang may makita sa likuran ko ------ si Alison.

Sa isang taas lang ng kilay niya ay nagbigay daan ang dalawang ito. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kasi nakikita ko na sa kanya ang aura ni Meganne. 

Agad akong pumasok sa room at umupo. Maya maya ay dumating na si Teacher Ramirez. 

" Goodmorning class! " 

" Goodmorning Ms. Ramirez " 

" You may now take your seats and Ms. Espiritu I want to talk ang confront you after your class " 

Narinig kong nagbulungan ang iba. Pero bakit? Bakit ako gustong kumprontahin ni Teacher Ramirez? 

The School Tradition: The Shout of silenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon