Trixie's POV
Naghahalungkat ako ng gamit sa locker. Hindi ko kasi matandaan kung saang libro ko inipit yung schedule for exam.
" Hi Trixie! "
Halos tumalon ang puso ko sa gulat.
" Ikaw pala Steve ginulat mo 'ko "
Kitang kita ko ang maaliwalas niyang ngiti. Nabaling ang kanyang paningin sa suot kong kwintas na dahilan ng pagkawala ng kanyang ngiti.
" Bakit Steve? May mali ba sa suot ko? "
" Ah wala naman sige mauna na 'ko " malungkot niyang sabi
Tumalikod siya at humakbang papalayo. Napansin kong parang may hawak - hawak siyang maliit at maitim na kahon.
" Steve, ano yang hawak mo? " tanong ko at agad naman niya itong tinago
" Huh? Wala "
" Hindi eh parang meron "
" Wala nga, baka imagination mo lang "
" Sigurado ka? "
" Oo nga bye "
Mabilis siyang lumabas ng pinto. Muli akong humarap sa locker at ipinagpatuloy ang paghahanap. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay umalis na ako sa locker room.
Habang naglalakad ay nagulat ako ng may kumuha ng bag ko. Tinignan ko kung sino siya at nakita ko si Lawrence.
" Hi Trix! Good morning " bati nito sabay halik sa aking pisngi na ikinapula ko
" Uy PDA ka ha and good morning din " tugon ko
Nang makita niya ang suot kong kwitas ay sumimangot siya.
" Bakit Lawrence? "
" Kanino galing yan? "
" Kay ate, bakit ka ba biglang nagsusungit diyan ha "
" Sigurado ka? "
" Oo nga kay ate nga galing ang kulit mo! "
Natanggal ang kunot ng noo niya at ngumiti. Inakbayan niya ko habang naglalakad.
" Tara na! " masigla niyang sabi
Tinignan ko ang suot kong kwintas. May bad vibes ba ang kwintas na to?.
Nagsimula na ang exam. Lahat kami ay tahimik at sa test paper lang nakatuon ang pansin. Mabilis kong nasagutan ang exam at ipinasa ito. Lumingon lingon ako sa paligid ng room. May mga bakanteng upuan. Syempre ang ilan ay kina Meganne, Lydia at Samanta pero wala si Dominic.
BINABASA MO ANG
The School Tradition: The Shout of silence
Fiksi Remaja''magiging maayos din ang lahat'', ito ang mga katagang laging sinasabi ni trixie sa tuwing masasangkot sa gulo. Ngunit hanggang saan at kailan niya kayang sabihin ito? lalo na sa larong mangangaso laban sa lobo kung saan ay dapat mong matugis ang l...