Chapter 2: The farewell letter

42 5 0
                                    

Steve's POV

 Kinabukasan ay nagkaroon ng isang prayer meeting para sa pagkamatay ni Sir Delgado, lahat ay nagsulat ng mensahe (ngunit hindi na ito lalagyan pa ng pangalan) tungkol kay Sir Delgado at nanguna na dito ang bagong principal na si Ma'am Gemma. Pagkaupo ko ay hinanap ko si Trixie at tinanaw, nakita ko sya sa harap at nakikipag - kwentuhan kina Brenda at Samanta. Napakaganda talaga ni Trixie kahit ilang minuto ay hindi ko kayang alisin an paningin ko sa kanya, kung may lakas lang ako ng loob na ipagsigawan ang nararamdaman ko  sa kanya, kung kaya ko lang tumakbo sa  stage at agawin ang microphone kay Ma'am Gemma at sabihin sa kanya na.......... MAHAL KITA.

" Uy sinong tinitignan mo, si Trixie no? " nagulat ako sa tanong ni George

" Hindi ah ! " sagot ko sa kanya at inalis ang paningin kay Trixie

" May gusto ka kay Trixie no !? "

" Shhh wag ka ngang maingay dyan ! "

Bago matapos ang prayer meeting at may panghuli pang sulat, kinuha ito ni Julie na isa sa mga kaklase ko at binasa sa harapan at laking gulat namin ng marinig ang laman ng sulat.....

" Unang una ay maraming salamat po sa mga estudyante sa pagdalo sa programang ito, nais kong malaman niyo na ang pagkamatay ni Delgado ay nararapat lang sa kanya, he deserved it ! paniguradong sinusunog na ngayon sa impyerno ang kaluluwa niya " iyon ang laman ng sulat, pagkatapos iyong basahin ni Christine ay nakita ko si Meganne na takip takip ang mukha niya  at halos maluha luha, lumabas siya ng auditorium ng mag - isa at mukhang nagmamadali.

Charmine's POV

   Kahina - hinala talaga ang sulat na iyon kanina, malamang ang sumulat ng mensaheng iyon at ang pumatat kay Sir Delgado kaya agad akong lumapi kay Julie at hiningi ang lahat ng sulat. Pagkatapos ay nagtungo ako sa classroom namin para kunin ang naiwan kong class attendance, ako ang secretary sa buong campus at ako din ang nagche - check ng mga exams nila kaya matutukoy ko kung sino ang nagsulat nito at kung sya ba ang salarin

Palabas na ako ng may naramdaman akong bagay na natapakan ko, pinulot ko ito at tinignang mabuti. Naaalala ko pa noong nagbigay ng speech si Sir Delgado sa stage, ito ang suot niya, sino naman kaya ang kumuha nito? malamang ay nahulog ito ng isang estudyante dahil sa pagmamadali. Pagkauwi ko ay agad akong pumasok ng kwarto at ni - lock ang pinto, inilabas ko ang plastic ng mga sulat at ibinuhos sa kama, agad kong hinanap ang sulat pero napakahirap dahil sobrang dami nito, pinagtyagaan ko ito at sa wakas ....

nahanap ko din ang sulat !

Meganne's POV

 P*nyetang buhay to oh ! sa tuwing masusuka ako ay wala akong magawa kundi ang um iyak, anong gagawin ko ? di magtatagal ay lalaki din ang tiyan ko! hinawakan ko ang tiyan ko at nagdesisyon na ako sasabihin ko na sa kanya ito ! sasabihin ko na kay Steve na buntis ako !

Teacher Ramirez POV

 " Okay class, i want to announce that there will be an acquaintance party! so get ready your outfits dahil mamimili tayo ng King and Queen of the night "

Tuwang - tuwa na naman ang mga estudyante pero sana naman ay wala nang mangyaring kaguluhan katulad ng nangyari noong nakaraang taon kay Athena. Pag kalabas ko ng classroom ay nakita ko si Michael na nakatingin sa akin ng masama na tila ipinapaalala ang mga sinabi niya sa akin nung nakaraang araw.

The School Tradition: The Shout of silenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon