Chapter 10: Hannah Montefalcon

16 2 0
                                    

Steve's POV

Maaga akong pumasok sa klase. Ayoko kasing makita ang pagmumukha ng mga magulang ko. Binuksan ko ang pinto ng room at wala pang tao. 

Sinamantala ko na ang pagkakataon para makalapit sa upuan ni Trixie. Kasalanan ko naman ang lahat. Kung itinigil ko na sana ang kahibangan ko, tinggap at naging kontento nalang ako na magkaibigan lang kami, edi sana nagawa ko siyang protektahan nung sinaktan siya ni Kepler. 

Sana kung hindi ko na lang itinuloy iyon, nakakalapit pa sana ako sa kanya nang hindi binabakuran ni Lawrence. 

Agad akong napatayo sa pagkakaupo ng bumukas ng pinto.

" Bro? " 

Si George at kaakbay si Charmine.

" Bro, hanggang ngayon pinagpapantasyahan mo pa rin si Trixie? "

Napakamot nalang ako sa ulo. Medyo natawa lang si Charmine. Ang lakas mang - asar ni George porke ba may girlfriend s'ya? Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik ako sa sariling upuan.

Nanatili akong nakaupo sa sariling upuan hanggang nagsidatingan na ang lahat. 

Tumahimik ang bukng klase ng dumating na si Teacher Ramirez at may kasamang isang di kilalang estudyante. 

" Class I want to introduce your new classmate, Ms. Hannah Montefalcon, say something about yourself "

Lumakad siya at tumayo sa gitna. Halata ang kanang hiya na natural sa isang tranferee. Tahimik ang lahat at inaabangan ang kanyang sasabihin.

"H-hello im Hannah Montefalcon from Greenhills Academy. I'm 17 years old and I hope na magkasundo tayo until the end of the school year " 

Biglang napunta ang atensyon ng lahat kay Andrea nang tarayan niya ang nasa harapan.

" At bakit ka naman nag - transfer dito? " 

Nabigla si Hannah at nag - fake smile.

" Because I like this school especially the students " 

Natameme siya at tumahimik. Nagsalita si Teacher Ramirez. 

" Kung wala na kayong tanong kay Hannah........ Hannah you may now take your seat dahil wala naman si Ms. Espiritu upuan muna niya ang gamitin mo " 

Pagkatapos ay pumunta na s'ya sa likod kung saan nondoon ang bakanteng upuan.

Agaw pansin ang ganda ni Hannah. Maganda ang kutis, matangos ang ilong, inosente ang mga labi, may kulay abong mga mata, pulang kulay sa bawat dulo ng buhok.  Hindi katulad ng ibang transferee, si Hannah ay active na agad sa klase. Sabi ay advance ang lesson sa Greenhills Academy pero bakit kaya mas gusto niya raw dito? 

Lumipas ang ilang minuto, oras. Hindi ko na namalayang sumapit na ang uwian.

The School Tradition: The Shout of silenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon