Chapter 7: Lights in the dark

15 2 0
                                    

Lawrence's POV

" Lawrence! san ka pupunta? " 

Hindi ko na pinansin o nilingon pa si Alison.  Agad akong lumabas ng basketball court nang marinig ang balita niya tungkol sa nangyari kanina sa cafeteria. 

Nagpaalam naman ako sa coach ko na hindi muna ako magti - training at pumayag naman siya.

Tumakbo ako para mabilis na makapunta sa room. Palakad pa lang ako papunta doon ay nakasalubong ko na si Trix. 

" Trix?  " 

Nakakaawa ang itsura niya. Sobrang dumi ng kanyang uniform na halatang pinagtulungan siya. 

Pagkakitang pagkakita niya sa akin ay agad niya akong niyakap. Inihanda ko na ang balikat ko upang iyakan niya pero nagkamali ako.Maayos naman siya maliban sa kanyang itsura. 

" Trix ayos ka lang ba? " 

" Oo bakit? " 

Tuwid din ang kanyang pananalita.

" Narinig ko yung nangyari kanina. Pasensya na kung hindi kita na protektahan.......... Im sorry........ pero gusto ko lang malaman kung bakit mo ginawa yun? " 

Umiwas siya ng tingin at lumakad palayo. Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagyakap sa likod. 

" Alam mo bang pinag - alala mo ko? "

Tinanggal niya ang kamay ko mula sa pagkakayakap nito sa kanya.

" Kahit hindi mo pa itanong, alam ko na yan pero gusto ko munang magpahinga. Ayoko munang pag - usapan ang tungkol sa mga bagay na yan " 

Ngumiti ako. Inilapit ko ang aking labi sa kanyang tenga at bumulong.

" May ipapakita ako sayo......... sumama ka sakin "

Trixie's POV

" Lawrence san ba tayo pupunta? "

" Basta! "

" Ba't ang dilim? Ano bang lugar to? "

" Basta nga " 

Medyo natatakot na ako sa mga sagot niya. Ayaw niya kasing sagutin ng maayos ang mga tanong ko. 

Malapit ng magdilim, puro puno at nakakatakot na huni ng mga iba't - ibang hayop ang maririnig sa buong paligid. Mas lalong nagpatakot sa akin ang matarik na daang binabaybay namin na halos magpataob ng sasakyan.

" Lawrence itigil mo na kaya 'to mukhang naliligaw na tayo eh " 

The School Tradition: The Shout of silenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon