Chapter 15: Truth Hurts

17 2 1
                                    

Alison's POV

Kakatapos lang ng party noong isang araw. Ngaton ay regular classes na. Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa room.

Pagbukas kong pinto ng room ay naabutan ko si bruha na nagbabasa ng libro. 

" Oh, bakit ka nag - costume uli? " tanong ni Hannah. 

Inirapan ko nalang siya at pumunta sa upuan ko. Tumunog ang phone ko, isang text message mula kay Lawrence. 

Message:

[ Magkita tayo sa library mamayang uwian ]

Tss. Mukhang alam ko na kung para saan ang pupuntahan ko mamaya. Ni - replayan ko siya.

[ Bakit hindi nalang ngayon? para kaunti pa lang ang tao ]

[ Basta, may training pati ako ngayon. Pumunta ka sa lumang library mamayang alas - singko ]

[ Sige, asahan mo ako doon ]

Ito talaga si Lawrence, masyado akong binibitin.

Nathalie's POV

Iminulat ko ang aking mga mata. Umiikot ang buong paningin ko parang masusuka ako sa sobrang pagkahilo.

" Nathalie..... "

Isang babae ang naaninag ko. Hindi malinaw ang kanyang mukha pero kilala ko ang kanyang boses.

Pinilit kong palinawin ang paningin ko sa pamamagitan ng ilang ulit na pagkurap pero iniinda ko pa din ang hampas ng baseball bat na natamo ng ulo ko.

" I-kaw b-ba yan? " 

" Oo, ako ito Nathalie "

" Pakawalan mo 'ko! " 

Sinubukan kong tapangan ang aking boses para pasunurin siya.

" H-hindi pwede " 

" Bakit hindi?! Diba't gusto mong tulungan kita? Kung ganon tulungan mo muna ako " 

" Hindi mo ba alam? Tinulungan na kita. Nung oras na hinampas kita ay muntik ka ng mahulog pero kinapitan kita " 

" Maftulungan tayo. Kaya natin s'ya. Marami tayo sa klase at isa lang s'ya. Nandiyan pa ang mga pulis at iba pang awtoridad. Marami tayong kakampi.

" Kahit na! Hindi natin s'ya pwedeng kalabanin d-dahil hawak niya si----- "

Hindi niya naituloy pa ang sasabihin dahil alam ko na. Alam ko na kung sino ang maisasakripisyo ang buhay kung kakalabanin namin siya.

" K-kung ganon n-nasaan siya? " 

" Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung buhay pa ba siya " 

" Kaya pakawalan mo na 'ko dito. Tutulungan kitang hanapin siya. Ililigtas natin siya "

Ilang minuto siyang nag - isip. Ako naman ay naghihintay ng sagot mula sa kanya. Matapos ang ilang minuto ay narinig ko padin ang inaasam kong sagot mula sa kanya.

" Sige, pakakawalan kita basta tulungan mo 'kong hanapin siya " 

Alison's POV

4:57 na ang oras. Uwian na pati kaya pupunta na ako sa library. I'm so excited. 

Bago pumunta sa library ay dumiretso muna ako sa powder room to pur some lipstick.  Inayos ko ang buhok ko at naglagay ng make - up.

Pagpasok ko sa library ay nakita ko na siya doon na nag - iisa. Nakatalikod at nagbubuklat ng ilang libro.

" Lawrence? " tawag ko sa kanya.

Humarap siya na walang ekspresyon sa mukha. Lumapit ako para sana halikan siya pero,

" Tapusin na natin 'to "

" Sige. Sabi ko naman kasi sayo dapat umaga na lang natin 'to ginawa para natapos na " 

" That's not what I mean. Ibig kong sabihin ay itigil na natin 'tong kalokohan na 'to "

" What do you mean? Na break na tayo? " 

" Break? Tayo? Walang ganon. Pampalipas oras lahat ng iyon. Trixie is still my girlfriend at ikaw wa-- "

" Enough! Ginamit mo lang ako? Pampalipas oras? Libangan? Huh? "

" Yes " 

Isang napakalakas na sampal. Iyan ang ibinigay ko pero that's not enough. 

" Sige Alison mauna na 'ko "

Aalis na sana siya pero pinigilan ko ang paglabas niya.

" Please.... " 

" I'm sorry but my decision is final "

" Kung ganon ay pagbigyan mo na 'ko kahit ngayon lang " 

" S-sige " 

Hinalikan niya ako sa la bi pababa sa aking leeg. Hinubad n'ya ang suot na jersey at ang aking uniform.  Inilabas ko ang phone ko. Akala niya siguro ay papayag na lang ako ng ganoon.

Trixie's POV

Ang tagal naman ni Lawrence. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa labas ng gym nila.

Napangiti ako ng tignan ko ang wallpaper ko na si Lawrence sa cellphone pero agad iyong nawala ng lumitaw ang isang sobre. Isang text mula kay Alison. Binuksan ko ito at binasa.

Message:

[ Come here in the old library immediately ]

Isinukbit ko ang shoulder bag ko. Ano naman kaya ang dahilan at pinapapunta niya ako?

(TO BE CONTINUED)

The School Tradition: The Shout of silenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon