Lawrence's POV
Nagtataka talaga ako kung kaninong anino ang nakita ko kahapon pero hindi na iyon mahalaga.
Ang gusto ko lang ngayon ay makita si Trix. Gusto kong paggising niya ay nandoon ako para yakapin siya. Gusto kong mag - sorry dahil sa kapabayaan ko. Gusto kong iparamdam na nasa tabi niya ko palagi.
5:30 pa lang ng umaga. Sabado pati ngayon kaya may oras ako para bisitahin s'ya. Nagdala ako ng ilang pagkain pagkatapos ay dumiretso na ko sa ospital.
Pagpasok ko sa kwarto ni Trix, mahimbing parin siyang natutulog. Nasa tabi padin niya ang bouquet na binigay ko pero bakit kaya may hawak siyang pulang rosas? Sino namang nagbigay sa kanya n'on?
Hinila ko ang upuan na nasa gilid at umupo sa tbi niya. Hinawakan ko an kamay niya nang mahigpit. Kinuha ko ang rosas na hawak niya.
" Lawrence? "
" Trix buti't gising ka na "
" N-nasaan si Steve? "
" Huh? "
Bakit naman kaya hinahanap ni Trix ang mokong na 'yon?
" Trix baka nananaginip ka lang "
" Hindi, binisita n'ya ko kagabi. Nangako siya sakin na ----- "
" Trix enough "
Tsaka lang siya tumahimik.
" Wag mo na siyang hanapin..... im here "
Pinilit kong ngumiti kahit na masakit........ ako yung kasama niya,ako ang boyfriend niya pero ibang tao ang nasa isip niya.
" Don't worry Trix, everything's gonna be alright "
Hinalikan ko siya sa noo at yumakap siya sa akin.
Hannah's POV
Napakamisteryoso ng section Scorpio. Mas lalo tuloy akong ginaganahan. Napakaraming mga mababait o mga mapagpanggap.
Hawak hawak ko ang bagay na kumumbinsing lumipat sa Archangel Academy. Hawak ko ang diary niya ---- ni Athena.
Kikilalanin ko muna ang mga kaklase ko. Ito ang una kong hakbang. Kaunting panahon na lang ang natitira sa akin. Konting tiis na lang Athena.
Steve's POV
[ 1 message received ]
From: Trixie
Steve bakit hindi ka dumating? Hinintay kita.
Minabuti ko na lang na hindi siya replayan. Mali ang ginawa ko. Hindi ko na dapat siya pinuntahan.
[ FLASHBACK ]
" Steve sama ka? " tanong ni George at Charmine
" San? "
" Kay Trixie, dadalawin namin siya "
Gusto kong sumama. Gusto kong malaman ang kalagayan niya pero alam kong sasama din si Lawrence at magiging saling pusa lang ako doon pero wala namang mawawala kung sisilipin ko lang s'ya.
Hindi ako sumama kina Charmine pero sinundan ko sila. Pagpasok ko sa ospital ay parang napansin ako ni
Lawrence. Agad akong nagtago sa isang kwarto sa dulo. Hinintay ko muna silang makaalis bago ko sinilip si Trixie.
Pumasok ako at inilapag ang hawak kong pulang rosas sa tabi niya katulad ng lagi kong ginagawa noon sa locker niya pero iba ang rosas na dala ko ngayon.
Ang rosas na ito ay isang pangako. Ipinapangako ko na ito na ang huling rosas na ibibigay ko sa kanya.
Pansamantala muna akong umuposa gilid at ninanamnam ang katahimikan.
" Ate? "
Bumangon si Trixie mula sa pagkakahiga. Kinuha niya ang inilapag kong rosas at inamoy. Lumapit ako sa kanya.
" Trixie matulog ka pa, kailangan mong mag - pahinga "
Nagtaka siya ng makita ako.
" Bakit ka nandito? "
Sabi na nga ba, mali ang desisyon kong bisitahin siya.
" Binibisita lang kita, kung ayaw mo aalis na lang ako "
Tumayo ako at aalis na sana pero hinila niya ang damit ko.
" Please, huwag ka munang umalis "
Nakita ko ang pangungulila sa kanyang mata. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at hinalikan ang kanyang noo.
" Matulog ka pa Trixie, gabi pa "
Lumingon lingon siya sa paligid.
" Matutulog lang ako kung ipapangako mong paggising ko, nandito ka pa "
" Pipilitin ko "
Pagkatapos ay lumabas na ako at umuwi.
BINABASA MO ANG
The School Tradition: The Shout of silence
Novela Juvenil''magiging maayos din ang lahat'', ito ang mga katagang laging sinasabi ni trixie sa tuwing masasangkot sa gulo. Ngunit hanggang saan at kailan niya kayang sabihin ito? lalo na sa larong mangangaso laban sa lobo kung saan ay dapat mong matugis ang l...