Chapter 3: the blood party

25 4 0
  • Dedicated kay princess gines
                                    

Trixie's POV

   Nasaan ako? anong lugar ito? bumangon ako sa pagkakahiga at nag masid pero wala akong makita kahit ano maliban sa isang madilim na lugar at isang pulang pinto, hahawakan ko na sana ang doorknob ng pinto pero biglang may tumagas na dugo sa loob nito

" Hindi ! " isang malakas kong sigaw, nananaginip lang pala ako, bumangon ako at pinunasan ang pawis na pawis kong leeg. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape

" Oh Trixie bakit gising ka na? wala ka namang pasok ngayon kaya matulog ka pa " sabi sa akin ni Ate Jennifer

" Hindi po ate aalis din agad ako, pupunta kami ng mga kaklase ko sa mall para mamili ng susuotin namin bukas sa party " sagot ko kay ate

Bago siya pumasok sa trabaho ay binigyan niya ako ng pera

" Hindi na po ate wag niyo na akong bigyan ng pera, sapat na yung akin " pagtanggi ko pero nagpumilit siya

" Sige na tanggapin mo na 'to gusto kong ikaw ang maging pinakamaganda sa party ! " sabi ni ate na may ngiti sa labi, isinara niya ang kamay ko na may pera at hinalikan ako sa noo

" Sige na sis alis na ako ! "

Pagkatapos kong mag kape ay naligo na ako, nagbabad ako sa bathtub at pumikit. Napaisip tuloy ako tungkol sa napanaginipan ko kaninang madaling araw, ano kaya ang ibig sabihin non?. Maya maya at may naramdaman akong bumubula sa tubig ng bathtub, agad kong minulat ang mata ko at laking gulat ko nang biglang may lumitaw na kalansay sa paanan ko at hinila ako paibaba. Napabangon na naman ako, panaginip na naman. Biglang tumunong an phone ko at kinuha ito sa gilid

1 message received:

    Trixie nasaan ka na?

    Nandito na kami sa mall na pagbibilhan natin ng damit

Sender: Samanta

Kumilos na ako at nagbihis, habang magsisipilyo ako ay parang lumakas ang ihip ng hangin, yumuko ako para iluwa ang mga sobrang bula. Pagtingin ko sa salamin ay may lumitaw na babae sa likod ko at lumuluha ng dugo pero wala itong mga mata. Tumingin ako sa likod at pagtingin ko sa salamin ay wala namang babae, siguro ay imahinasyon ko lang ito

Pagpasok ko sa mall ay pumunta agad ako sa meeting place. Nakita ko sina Brenda at Lydia na nakaupo

" Oh Trixie bakit ang tagal mo? " tanong ni Lydia

" Sorry medyo tinanghali lang " sagot ko

Maya maya ay lumapit sa amin sina Charmine at Samanta na may dala dalang mga damit

" Eto pili na kayo tapos isukat nyo kung kasya " sabi ni Charmine, kinuha ko ang kulay blue na cocktail dress at iniabot kay Samanta

" Samanta isukat mo nga 'to, mukhang bagay sayo eh ! " iniabot ko yung damit pero tumanggi sya

" Nako wag na 'ko ! sayo na lang " sagot niya

" Sige na Samanta isukat mo lang " iniabot ko itong muli sa kanya

The School Tradition: The Shout of silenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon