Samanta's POV
" Ano kamusta ang party? " papasok pa lang ako ng bahay ay sinalubong na ako ng adik kong tatay
" Ano bang pakialam mo!? " inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin
" Ano yang nasa damit mo dugo ba yan? " tanong niya
" Oo bakit? " sagot ko
Normal na kay itay na makakita ng dugo dahil napakarami na niyang napatay sa baryo namin dati at isa pa lutang sya dahil sa droga kaya hindi sya alerto sa nangyayari. Nagbihis ako at binuksan ang t.v
" Magandang gabi, ito'y kararating lang na balita ...... isang auditorium sa isang paaralang Archangel Academy ay natupok ng apoy ! mabuti na lang ay naapula na. Makakapanayam po natin........ "
Tss! ang bilis talaga ng balita. Sabagay normal lang ang balitang 'yan. Isa lang yang maliit namproblema kumpara sa nababalitang patayan sa ibat - ibang lugar. Maya maya ay nawalan ng kuryente
“Hay ! kala ko ba bukas pa mawawalan ng kuryente ! " pag - aatungal ni itay
Lumabas siya ng bahay para kausapin ang kapitbahay namin na pinagkakabitan namin ng kuyryente. Sa sograng inis ay sinipa ko ang electric fan namin
“Langhiyang buhay to ! bakit ba ipinanganak akong mahirap ! " sabi ko sa sarili
“Samanta ! bilisan mo iligpit mo yan ! " agad na itinago ni itay ang mga ni repack niyang shabu
" Bakit 'tay? " pagtataka ko
" May parak ! " matipid niyang sagot
Nandiyan na naman pala so SPO3 Arman Lutchero na naglilibot sa aming lugar. Pumuta akosa pinto upang ganap siyang masilayan. Lumingon sya sa akin at sinitsitan ako para palapitin. Pagkalapit ko ay kinuha niya ang kamay ko at nagpatong ng isang libo
" Mag - aral kang mabuti ha? " sabi niya na may matatalim na titig sa akin
Pagkaalis niya ay pumasok ako ng bahay. Agad hinila ni itay ang pera sa aking kamay pero hindi ko ito binigay
" Akin na yan ! "
" Tama na itay akin ito ! "
" Sinabi nang ibigay mo sa akin ! "
Itinulak niya ako na dahilan ng paghampas ng ulo ko sa semento bago ako nawalan ng malay
Umaga na nang ako ay magising. Bumangon ako sa mismong pinagtumbahan ko. Pumunta ako sa kusina at nakita ko si itay na may hawak na kutsilyo, nakaupo at nakaharap sa pader , bulong sya ng bulong na animo'y mag kausap
" Itay aalis na po ako " pagpapaalam ko sa kanya bago pumasok sa school ngunit hindi niya ako pinansin
BINABASA MO ANG
The School Tradition: The Shout of silence
Genç Kurgu''magiging maayos din ang lahat'', ito ang mga katagang laging sinasabi ni trixie sa tuwing masasangkot sa gulo. Ngunit hanggang saan at kailan niya kayang sabihin ito? lalo na sa larong mangangaso laban sa lobo kung saan ay dapat mong matugis ang l...