Trixie's POV
Yes. Sa wakas ay madidischarge na 'ko. Makakapasok narin ako bukas. Nakakainip kasi dito sa ospital ----- ang daming bawal.
Nakapasok na ako sa kotse at ipinagmaneho ako ni ate pauwi.
" Trixie are you really okay now? Nakausap ko na ang inyong principal ang sabi n'ya na you can take a rest how many days you want "
" Hindi na po ate. I can handle myself "
Paghinto ng kotse sa tapat ng aming bahay ay agad akong pumasok. I'm really excited to see my phone. Aiguro ay punong puno na ang inbox ko sa mga nag - aalalang text ni Lawrence.
Nagmamadali akong pumasok aa kwarto at binuksan ang drawer. Agad kong dinampot ang phone ko pero nadismaya lang ako. Kahit isang text message o miss call ay wala.
Maaga akong nagising. Ginawa ko ang palagi kong ginagawa sa umaga bago pumasok. Naligo, nabihis at nag - almusal.
Inihatid ako ni ate papuntang school. Kung kahapon ay exited akong pumasok, ngayon ay para akong natatakot. Parang may bagay na di ko inaasahang madadatnan ko doon.
Pagkapasok ko sa room ay agad akong sinalubong nina Charmine, Brenda, George, Nathalie at syempre ni Lawrence para yakapin.
Si Lawrence talaga ang may pinakamahigpit na yakap sa kanila at dahil iyon sa na - miss niya ko.
Agad na napansin ng aking paningin ang isang babae na nakaupo sa tabi ng aking puwesto.
" Sino yan? "
" Ah si Hannah yan. Ang creepy n'ya nga e. Good luck na lang sayo Trixie "
Dahan dahan akong pumunta sa puwesto ko.
" You're Trixie right? "
Bakit naman kaya kilala niya ko?
" Huh? Ugh oo. Kilala mo na pala ako "
" I'm Hannah, Hannah Montefalcon "
Umupo ako ng maayos at muli siyang kinausap
" Hindi mo pa din sinasagot ang tanong ko, paano mo ko nakilala? "
" Sa hospital. Na - hospital ka right? Nang bisitahin kanila, sumama ako "
Tumango na lang ako. Kakaiba ang ngiti niya. Mga ngiting hindi no mawawarian.
Mabilis natapos ang klase. Nagsiuwian na ang halos lahat ng estudyante. Hindi pa ako umuuwi dahil hinihintay ko pa si Lawrence na matapos ang basketball training n'ya.
Nakaupo ako sa isang bakal na bench sa labas ng gym. Mahigpit daw kasi ang coach nila at ayaw magpapasok ng hindi kasali sa training baka daw kasi maging distraction lang kami.
Itinungo ko ang ulo ko at pumikit sandali para damhin ang malamig na simoy ng hangin.
" Are you happy now? Bitch "
Agad kong itinaas ang aking ulo at binukas ang mata ko.
" V-violet? " nangangambang tanong ko.
" Sino pa nga ba? "
Nagpamewang s'ya at tinaas ang kilay n'ya. Agad akong tumayo at naglakad palayo pero natigilan ako nang hablutin n'ya pababa ang buhok ko.
" Aray! Aray! Violet tama na! "
" You're a bitch, bastard, pathetic, asshole and a snake! "
" Tama na! "
Isang boses ang narinig ko at itinulak niya palayo si Violet.
" Bitch, wag kang makialam! "
Agad na tumayo si Violet at sinugod kami pero nandoon parin siya para depensahan ako. Hinampas niya si Violet ng hawak niyang libro dahilan para mawala ito sa balanse.
" You're all a bastard! Magkampihan kayo pero kayong dalawa? That's not enough to defeat me! "
Agad siyang tumayo muli at tumakbo palayo.
" Are you okay Trixie? "
" Ayos lang ako "
" Are you sure? "
" Oo salamat uli Hannah "
BINABASA MO ANG
The School Tradition: The Shout of silence
Jugendliteratur''magiging maayos din ang lahat'', ito ang mga katagang laging sinasabi ni trixie sa tuwing masasangkot sa gulo. Ngunit hanggang saan at kailan niya kayang sabihin ito? lalo na sa larong mangangaso laban sa lobo kung saan ay dapat mong matugis ang l...