Mitch's POV
Nandito na akong skul ngayon, buti nalang di pa nagsa-start yung flag ceremony.
Naglalakad ako sa corridor nang bigla kong nasulyapan si...
"Bess? Bakit ka nila pinagbubuhat ng bag? Lagot!."
Nakita ko kasi si Venus na may dala-dalang apat na bag,at mukhang mabigat talaga.
Dali-dali ko syang pinuntahan sa kinaroroonan nya.
"Bess? ba't hawak mo ang mga yan? Kaninong bag yan,ha?" nagtataka naman ako.Di naman yan bag ng mga teacher ah?
"Be-bess, mahabang storya." Diretso lang sya sa paglalakad.
"Tsk,teka nga bess, kanino bang mga bag yan at san mo dadalhin? Ako ang nahihirapan sa ginagawa mo ah! Tulungan na kit---" Akma ko na sanang kukunin yung ibang bag nang pigilan nya ko.
"W-wag bess.Ayokong madamay ka.Masakit man sa kalooban ko,pero tatanggapin ko nalang 'to kaysa naman malaman nina mommy 'to." Nakita kong parang iiyak na sya.
Nagpalingon-lingon ako at bigla kong nasulyapan sa 2nd floor yung apat na hearthrob ng campus na naka smirk.
May kinalaman ba sila dito?
---
Venus's POV**
"Lagay mo dyan nerd.Ayokong madumihan yung mga bag namin." sambit ni Mel.
"O-oo na"
Nilagay ko nalang yung mga bag nila at aalis na sana para umatend ng flag ceremony ng biglang magsalita si Kent.
"Di ka aalis.Dito kalang."
Demanding na sabi nya.
"Ba-Bakit naman? Aatend ako ng---"
"No, you'll stay here." diretsong sabi nya.
Nilingon-lingon nya yung room.
Ginawa ko rin yung ginawa nya at..
"Wag m-mung sabihing---"
Kalat na kalat kasi yung room.Yung mga upuan nagkalat kahit saan.Madami ring papel at plastic.Yung chalk at eraser at parang sadyang tinapon sa sahig.
"You got it nerd.Linisin mo yan sa loob ng 30 minutes, or else---"
"O-kay"
Jusko! Ano ba 'tong napasok ko?
---
***Recess time***
"Bili mo kami ng pagkain dun sa canteen." utos naman ni Kent.
"Seryoso ba kayo?" Panu ba kasi ang taas ng 2nd floor at ang haba pa ng lalakarin ko.
"Yes.Do I look like joking?"
"S-sabi ko nga"
Umalis na ako para bumuli.Pagkatapos ay umakyat na rin.
"Ito na po oh." Ibinigay ko na sa kanila ang isang tray ng pagkain.
Aalis na sana ako para kumain din, kaya lang...
"Oh, I forgot, drinks pa pala."
Bumaba ulit ako para kumuha ng drinks nila.
Habang nasa hagdan ako...
Nabitawan ko yung tray ng juice kasi biglang may bumuhos na malamig na tubig mula sa itaas at bumasa sakin.
"Ambisyosa kasi.Yan,bagay sayo.Whaha!"
"Di na nahiya.Mang aagaw kang nerd ka!"
"Sana magtanda kana."
Di ko na napigilan at umuwi na ako.
Sobra na.
Nagdrive nalang ako pauwi.
Sobra sobra na sila.Parents ko nga di ako pinapakagat sa langgam, tapus sila?
Sumusobra na.
Tatawagan ko na nga lang si Mitch.
Kinapa ko yung bulsa ko...
"AAHH!!"
Inuuntog ko yung ulo ko sa manibela ng sasakyan.
Naiwan ko nga pala dun sa room kanina.Panu kong?? Wag naman sana.
---
Kent's POV
"Hey dude? Ba't antagal naman nung slave natin? inuuhaw na ako."
"Oo nga noh? 30 minutes na, mamaya nandito na yung mga estudyante pati teacher natin." nagtataka namang saad ni Luke
Tatayo na sana ako papuntang canteen ng biglang may nakita akong cellphone sa upuan.Kulay itim ito at samsung.
Tiningnan ko ito at pag press ko ay walang password.
Pag open ko, tumambad sakin ang wallpaper ng isang dyosa.
"You look familiar." sambit ko sa sarili ko.
"Huh? sino dude?" Tanong naman ni Mel.
"Ito tingnan mo."
Pinakita ko sa kanya yung wallpaper at pati sila ay napanganga.
Ang picture kasi ay naka tube na red, at black shorts.Simple lang ang suot pero lutang yung kagandahan.
"Tol, sya. sya yung babaeng pinakita ko sa inyo na mukhang model." Nakangising sabi ni Mel.
"Oo nga.Napaganda nya talaga tol." sabi naman ni Mike.
"Pero wait, kaninong cellphone yan?" tanong naman ni Luke.
"I don't know.Si nerd lang naman ang nakaupo dito kanina.Imposible namang siya 'to.Haha." natatawang saad ko.
"Baka idol nya lang.Tsaka, tingnan natin yung gallery nya." Excited na sambit ni Mel
Inopen namin yung gallery.
At..
Lahat kami ay napa NGANGA!!
Para akong nakakita ng dyosa mula sa kalangitan.
"I want to find this girl,and I want her to be mine." sambit ko nalang.
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Model
Teen FictionTitle: That Nerd is a Model Boy 1: Tol, tingnan mo 'to oh, ang ganda.Parang model. Boy 2: Oo nga pare.Sana makita ko sya.Tapos liligawan ko. Boy 3: Tss. asta naman kayong papatol yan sa inyo.Sakin kaya yan. Kent: Tss.Asa kayo mga dude.(sabay smirk) ...