Shot 15

630 24 0
                                    



Venus's POV

Patuloy lang ako sa pagtakbo,pero yung isip ko ay lumilipad.

Bakit nya ko gustong maging girlfriend,samantalang...

Di naman pwedeng nahulog na sya sakin dahil naging maganda na ako,samantalang nung nerd pa ako ay pinagtatabuyan na nya ko.

Di ko alam kung san ako papunta.

Nahimasmasan lamang ako ng bigla akong bumangga sa isang pader.

**Booggsshh**

Pagtangla ko,isang nakangiting mukha ang nakita ko.

"F-ford?" Hingal na hingal ako.Kapagod!

"Hey! Were you running?" nagkasalubong yung kilay nya at hinawakan nya ang braso ko.

"Uhm, y-yeah.Hehe. E-exercise lang." Pagsisinungaling ko.

"Oh,I see.Come with me." Hinila nya yung braso ko at hinatak sa kung saan man.

"San tayo pupunta?"

"In the canteen.We'll get you some water,you're running out of breath."

Ahhh! Kala ko kung saan na.

Di na lang ako umimik at nagpahila nalang sa kanya,habang hingal na hingal parin.

---

Kent's POV

Lahat ng sakit ng loob ay naipon sa kaloob looban ko.

Gusto nya kong magbago? Hindi pa sya handa? Okay. naiintindihan ko naman sya.

Pero,kailangan ko ba talagang magbago para lang sa kanya?

Napaisip ako sa mga panahong yun.

Andito parin ako sa field.Yung ga tao nagsibalikan na sa kanilang mga ginagawa kanina.
Kaming apat nalang yung natira.

"Panu ba yan tol,basted ka.Haha! Sana binigay mo na lang sya samin." nakatawang sabi ni Mel.

"Haha! 2nd time ka nang binasted tol." natatawang sabi naman ni Luke.

Yeah. Second time na.
Tss. Wag na nating pag usapan.

"Tsss.Tigilan nyo ko.Baka kayo ang pagbuntungan ko."
Umalis na ko dun at pumuntang canteen.

Habang papalapit ako dun,nag ingay ang mga tao.
Rinig na rinig ko pa.

"Ayyyiiee!"

"Nakakakilig!"

"Whhhaaah!!"

Dahil sa curiosity ko, pumasok na ko dun.

At ang nakita ko ay mas lalong nagdulot ng hapdi at kirot sa aking damdamin.

Umalis na lang ako dun,bago pa ako tuluyang makasapak ng kamukha ko.

That Nerd is a ModelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon