Venus's POV
Pagdating ko ng bahay, nakita ko si mommy na nagluluto sa kusina.
"Mom, I'm here."
Dumiretso ako sa table kung saan nakalapag yung mga ingredients ng niluluto nya.
"Oh,darling you're here---WHAT HAPPENED TO YOU?" sigaw nya.Mabuti at di nya nabitawan yung hawak nyang tray ng itlog.
"Mom---"
"Baby, binully ka naman ba nila?" Nilapitan nya ako sabay yakap."Parang basang sisiw kana oh.Malalagot talaga yang mga babaeng yan sakin.Hmp."
Naramdaman kong humigpit yung yakap nya.
Ito yung gusto ko kay mommy eh,kasi kinocomfort nya ako,tapos naiintindihan nya ako.
"Mom, wag na po.Ako nalang po yung bahala sa mga yun.May araw din sila.Ako pa." Bumitiw na si mommy sa pagkayakap at ngumiti sakin.
"Kaya mo yan anak.Go lang. Oh sya, magbihis kana,tapos baba ka kaagad para matikman mo itong niluluto ko."
"Okay mom.I love you.Mwaah! hehe" sabi ko nalang sabay flying kiss.
Nung paakyat na ako ng hagdan,may bigla akong naalala.
"Mom, can I borrow your phone?"
"Here darling."
Pagkabigay nya sakin ng phone, ay kumaripas na ako papunta sa kwarto.
And then I dialed Mitch's familiar number.Buti nalang memorized ko 'to.
/Hello tita? napatawag kayo?/
sagot ni nya.
"Bess,ako 'to.Nandito na ako sa bahay."
/WHAT? Kanina ka pa ba dyan?/
"Ngayon lang.Pasensya na ginamit ko yung kotse mo,kasi may nangyari kanina bess,tsaka di kita natawagan kasi yung phone ko naiwan ko dun sa school.Bess,pwede punta ka dito?"
/Hayst! Pasalamat ka mahal kitang babae ka,kundi. Nakuh./
"I love you bess.Ge.bye"
Pagkatapos naming mag usap ay naligo na ako.
I wear a white t-shirt at black short.Nilugay ko rin yung buhok kong hanggang bewang.
Bago ako bumaba ay tiningnan ko yung sarili ko sa salamin.
"Lalabas din yung totoong Venus.Mag antay lang kayo."
Lumabas na ako ng kwarto ko at nag log in muna ng facebook account ko.
Tsaka yung facebook ko, puro nerd pictures ko dun.Pero sa instagram, yung totoong ako yun.
*1 new friend request*
-Kent Chavez sent you a friend request-
"Bakit naman ako inadd nito?"
Kinonfirm ko sya at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan.
*Ding-dong*
"Anak,ikaw na bumukas." saad ni mama habang prene-prepare yung pagkain ko.
Dumiretso akong gate.Wala kaming guard eh.Pati katulong wala din.Si mommy lahat gumagawa para samin.Masaya naman daw siyang pagsilbihan kami.
Pagbukas ko...
"Wow,ang hot bess ah?" sabi niya sabay ngiti at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Itigil mo nga yan bess,para kang manyak.Ge,pasok na.May hinanda si mommy para satin." Sinarhan ko muna yung gate at dumiretso na.
---
Nasa kalagitnaan ng kwentuhan naming tatlo ay biglang nagtunog ang cp ni mommy,tunog ng messenger.
"Anak, baka sakin nag message."
"Hindi po, nilog-in ko po yung fb ko.Kasi naiwan dun sa skul yung phone eh.Mamaya ko nalang tatawagn yun."
Inopen ko yung message at nagulat ako sa nabasa ko.
Kent Chavez: Why did you ditch us earlier,you nerd?
Pinili kong eseen at nagpatuloy sa pagkain ng biglang tumunog ulit.
Kent Chavez: Nerd,mamansin ka.Di ka famous.
Venus Ramirez: Di kayo iniwan kanina.May masama lang na nangyari kaya napauwi ako ng di oras.Pasensya na po.
Kent Chavez: No,di sapat na dahilan yun.Dapat nagpaalam ka samin.
Venus Ramirez: Pasensya
Kent Chavez: Dahil sa ginawa mo,mas lalo kong dadagdagan yung 1 month slavery mo.I'll make it 3 months.
"ANO?"
Napatayo ako sa gulat.Napansin din nila mommy yun kaya agad nila akong tinanong.
"Nak,okay kalang?"
"Ano meron bess?" tanong naman ni Mitch.
"Wala 'to"
Di ko nalang sya nireplayan at nagpatuloy ulit sa pagkain.
After 10 minutes ay tumunog ulit.Pero this time, iba na.
*Kent Chavez is calling you..
*
Bigla akong kinabahan.Bakit sya tumawag? Para mas ipamukha sakin yung 3 months slaver ko??
Naman!! Ang saklap!
---
Third Person's POV
Kasulukayang nakahiga si Kent sa kama nya at inis na inis sa di pagsagot sa tawag nito sa messenger.
Para mawala yung inis nya,ibinaling nya yung atensyon nya sa cellphone na may mga pictures ng babaeng gusto nyang makuha.Kent's POV
Sa halip na mainis ako dun sa nerd na yun, hinalungkat ko yung gallery.
At di nga ako nadismaya.Nabusog yung mata ko sa mga nakikita ko.
Isang babaeng ubod ng ganda.Babaeng pinapangarap ng sino mang lalaki.
Suddenly, may nakita akong picture nya na nakapirma dum ang pangalan nya.Aphrodite Princess.
"The goddess of beauty." sambit ko.
Kinuha ko yung phone ko and I search her name on facebook.
Pero, puro lahat fan page.I tried searching on instagram,and there.I found it.
I stalked her hardly.Pati mha abouts nya ay inalam ko.
At tama,isa nga syang model. Model sya ng Benz Clothing.Teka, Benz clothing? Yung 24th floor na building sa tapat ng Call center agency?
Alam ko yun ah?Dali-dali akong naligo at pumunta dun.Kahit 6:30 na, alam kong makikita ko sya.
Pero,biglang may tumawag sa cellphone,yung may pictures ni Aphrodite.
/Aphrodite.May shooting ka ulit.Aabangan ka namin in one hour./
What did he say?
Tama ba yung narinig ko o hallucination lang?Tss.Umalis na akong bahay at dali-daling pumunta sa lugar na yun.
---
Venus's POV
"Bess, nag text sakin si Gab,may shooting daw kayo.Magsisimula na in one hour." sambit ni Mitch.
Nandito na pala kami ngayon sa room ko."Okay.Magbibihis lang ako."
After 45 minutes,nakarating na kami dito sa building.
---
"Okay pwesto na guys, mabilisan lang." sabi ng photographer.
As usuall, nagpose na kami.
Marami rami din yung damit na minodel namin.After 1 hour ay tapos na.
"Hayst! sa wakas makauwi narin." saad ko.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Mitch bunga narin siguro ng pagod.
Andito na kami ngayon sa groundfloor ng bigla akong...*BOOOGGSSHH*
"ARAY!!"
Dahil sa lakas ng impact, napatumba ako."Miss, are you okay? Wait, Aphrodite?"
Inalalayan nya ako patayo.
Nakita ko ang ngiti sa mukha nya."K-kent?"
"D-do you know me?" saad nya habang ang lapad ng ngiti.
"Ay. sos-sorry ha? di pala kita kilala.Sige.bye."
Kinaladkad ko na si bess, pero narinig ko pa ang pagtawag nya sakin.
"Wait.Aphrodite! Heyyy!!"
Sinubukan nya pang habulin ako kaso pinaharurot na ni bess ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Model
Teen FictionTitle: That Nerd is a Model Boy 1: Tol, tingnan mo 'to oh, ang ganda.Parang model. Boy 2: Oo nga pare.Sana makita ko sya.Tapos liligawan ko. Boy 3: Tss. asta naman kayong papatol yan sa inyo.Sakin kaya yan. Kent: Tss.Asa kayo mga dude.(sabay smirk) ...