*1 year later*Ang pangalang Venus Ramirez at Ford Chavez ay naging sobrang sikat ngayon.Sa loob lamang ng isang taon ay bumango ito sa showbiz,sa buong Pilipinas at sa ibang bansa.
Ang tandem nila ang kinakikiligan ng mga kabataan,kahit ng mga matatanda.Ang pangalang Venus Ramirez ay di lamang sikat sa mundo ng modeling,kundi pati narin sa mundo ng painting.Lahat ng companya ay gustong magpadesinyo sa kanya.
Lahat ay nasa kanya na.Naabot na nya ang kanyang tagumpay,ngunit tila ay may kulang parin.Samantala, ang pangalang Ford Chavez ay sikat na sikat din.Bukod sa pagiging model,isang sikat na architect din sya.Indemand sya sa lahat ng kompanya.
Kahit mabait,mapagmahal,maunawain,kahit lahat ng magagandang ugali ay nasa kanya na, di parin nya nakukuha ang gusto nya.
Buong taon nyang sinuyo ang babaeng pinakamamahal nya,pero kahit ganun, di parin sapat.Si Venus Ramirez, ang babaeng sobrang mahal nya,ngunit ang turing sa kanya ay isang kaibigan lamang.
--
Samantala,
Si Kent naman ay isa ng Photograper and the same time,artist.
Nagtatrabaho sya ngayon sa sarili nyang kompanya.
Masasabing di parin nagbabago ang pagiging suplado nya,pero, mas naging palangiti na sya ngayon.Sa kabila ng mga nangyari nung nakaraang taon,ay di sya nagpadaig rito.Sinikap nyang magbago para sa muli nilang pagharap ng babaeng mahal nya,ay maging karapat dapat na sya.
Venus's POV
Katatapos lamang ng aming photoshoot.
Kasama ko ngayon ang kaisa isa kong partner na si Ford.Kasalukuyan kong inaayos yung mga gamit ko ng biglang may humawak ng kamay ko.
"Oh Ford?" Di na ako nagulat sa ginawa nya.Sanay na ko.Halos buong taon nyang ginagawa yan eh.
"Wanna go somewhere after this?" Isang taon na nga ang lumipas pero englishero parin sya.
"Sure,saan?" Nakangiti akong humarap sa kanya.
"Hmm, punta tayong arcade." Nakangiti nyang saad.
"Okay."
Pagkatapos kong iligpit yung mga gamit ko ay umalis na kami papuntang arcade.
Ginamit namin yung kotse nya.
"So,what are you planning to play today?" nakangisi nyang tanong habang nagmamaneho.
"Gusto ko yung car racing.Haha!!"
"Oh, edi,ganun din sakin." nakasmirk nyang sambit.
"Hala! Iba naman yung laruin mo,palagi nalang akong natatalo sayo eh." sabi ko sabay pout..
Napatigil sya sa pagtawa si Ford at tinitigan ako.
Suddenly he blinked his eyes at nag pokus sa pagdrive.---
*In the arcade*Naglalaro kami ngayon ng car racing sa computer,red yung car ko,yung kay Ford naman ay green.
"Uy!! ang daya mo! Palagi mo nalang akong binubunggo!" sambit ko sa kanya.
"Haha! It's not my fault.I'm just very good in playing than you." nakasmirk nyang saad.
"Grabe ka,ilang token na yung hinulog ko,pero di man lang ako manalo nalo sayo." nakapout kong saad.
"Just keep on playing.Malay mo." nakafocus lang sya sa nilalaro nya.
"Tss, ayoko na nga.Uwi na ko." umalis na ko dun sa harap ng computer at naglakad.
"H-hey! Wait for me! Don't leave me!" Tumakbo sya palapit sakin pero bumangga rin dahil sa biglang pagtigil ko.
Napatigil ako dahil sa nakita kong frame na may painting sa wall.
Tiningnan din ni Ford kung ano yung tinitingnan ko.
Isa itong 3D painting ng isang babaeng nerd, naglalakad sa hallway,na sa di kalayuan ay may nagmamasid sa kanya.
Tiningnan kong mabuti yung mukha ng babae,at...0.0
AKO YUNG NASA PAINTING!!!!
Tiningnan ko din yung signature ng gumawa,pero initials lang ang nakita ko.
At ito ay binubuo lamang ng dalawang letra.
'KC'
Tama ba 'tong nasa isip ko??
Kent Chavez nga ba ang gumawa nyan?
Kung ganun,kailangan ko syang mahanap upang mabigyang kahilingan 'tong nararamdaman ko.
Na pinagsisisihan ko,isang taon na ang nakakaraan.
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Model
Teen FictionTitle: That Nerd is a Model Boy 1: Tol, tingnan mo 'to oh, ang ganda.Parang model. Boy 2: Oo nga pare.Sana makita ko sya.Tapos liligawan ko. Boy 3: Tss. asta naman kayong papatol yan sa inyo.Sakin kaya yan. Kent: Tss.Asa kayo mga dude.(sabay smirk) ...