Third Person's POV
Halos lahat ay nagulat sa rebelasyong sinabi ni Venus.
Pati yung mga dumadaan sa room nila na nakarinig ng sinabi nya ay napahinto at nagulat."Yes.I'm Venus Ramirez.Yung inaapi nyo palagi,binubuhusan ng tubig(tumingin si Venus sa kinaroroon ng mga babae nambully sa kanya) Ako yung ginawa nyong alipin for 1 month,pero ginawang 3 months( tumingin naman sya sa kinaroroonan nila Kent at mga barkada nya). Pero,alam nyo, nagpapasalamat ako sa inyo eh,kasi pinalabas nyo yung totoong ako."
Pagkatapos sabihin ni Venus yun ay nagsiyuko ang lahat.
Ang tanging hindi ay si Kent.Tumayo ito at lumapit sa kanya."W-what? Are you kidding me?Huh,no.Your not Aphrodite.You're just a nonsense nerd.Ginaya mo lang sy---"
"Di kita pinipilt maniwala.Di ko kailangan yan." sabi nalang ni Venus sabay smirk.
Umupo na si Venus,pero nakatitig parin sa kanya si Kent.
Buong klase nila ay nakatitig lang sya kay Venus.Samut saring emosyon ang kanyang nadarama.
Ang babaeng gusto nyang makuha at ang babaeng kinasusuklaman nya sa buong buhay nya ay iisa lang pala.
---
Mitch's POV
Asan na ba kasi si bess? di ko mahanap.
Kasalukuyan akong nagpalinga linga sakaling mahanap ko sya,pero...
**Boogshh**
Bumangga ako sa...
Pagtingin ko sa nabangga ko...
Oh my Gosh!! totoo ba 'tong nakikita ko?
Si ..."BESS? IKAW BA YAN,HA?" dahil sa gulat ko ay napasigaw ako.
"Yup bess.Di ko na kinaya eh! Haha,bagay ba sakin?" nag pose pa sya ng nakapamewang at yung isang kamay ay nakataas na nakatawag ng atensyon ng mga tao.Yung may ginagawa,ay tumigil at nakatulala na lamang sa kanya.
Karisma nga naman!"Bess,wala akong masabi.Ikaw na talaga ang dyosa ng kagandahan!"
Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ay may lumapit na nagkukumpulang mga mga lalaki,at grupo ng mga babae.
Yung isang guy ay nagbigay pa ng flowers,yung isa chocolate,teddy bear,at kahit ano pa.Yung iba ay nagpapicture pa,yung iba naman nagpa authograph.
Halos lahat ng estudyante ay di na pumasok para lang masilayan ang natatanging dyosa ng paaralan namin.---
Meanwhile...Kent's POV
Di sya pwedeng maging si nerd,sya si Aphrodite.
Di rin sya pwedeng maging si Aphrodite kasi sya si Nerd.
Hay!Pero,halata naman na iisa sila kasi pareho ang hitsura nila,kaso si nerd,may eyeglass lang.
Hay!Panay ang buntong hininga ko.Yung isip ko ay nasa mga pangyayari parin.Di ko namalayan,kinakausap na pala nila ako.
"Huy tol! kanina pa kami dada ng dada oh,di ka man lang nakikinig." sabi ni Mel.
"What is it?" saad ko.Wala ako sa mood makipag usap.
"Ang sabi ko kanina tol,liligawan namin si Venus.Aba,swerte ang makakakuha sa kanya noh.Perfect body na,model pa,tyaka,top 1 ng skul natin.hoo!" nakangising sabi ni Mike.
"Oo nga pare.Pag nakuha ko sya,ako na ang pinakaswerte sa lahat ng lalaki." saad naman ni Mel.
"Abah,ako kaya yung nagsabi na liligawan sya nung pinakita ko sa inyo yung picture nya.Walang agawan tol." sambit naman ni Luke.
"Tss.Asa pa kayo." I rolled my eyes at them.
"Tol, alam naming gusto mo sya,kaya naman gumawa ka narin ng move,baka maunahan ka ng isa samin." Luke smirked.
"May the best man win." nakangising saad ni Mel.
BINABASA MO ANG
That Nerd is a Model
Teen FictionTitle: That Nerd is a Model Boy 1: Tol, tingnan mo 'to oh, ang ganda.Parang model. Boy 2: Oo nga pare.Sana makita ko sya.Tapos liligawan ko. Boy 3: Tss. asta naman kayong papatol yan sa inyo.Sakin kaya yan. Kent: Tss.Asa kayo mga dude.(sabay smirk) ...