Prologue

2.3K 36 4
                                    

K I E F E R










Ako si Kiefer . Businessman . Lawyer . Brother .  Friend . And a Single Parent . Medyo mahirap sa una pero once na kilala mo na sila . Mas okay ring tignan . Bakit nga ba ako naging single parent ? Lawyer ako hindi ako Imbestigador . Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin masolusyonan ang 3 taon ko ng problema . Pero bakit ang problema ng iba ay mabilis ko'ng mahanap ang ebidensya sa iba't ibang krimen na natapos ko ng hawakan. Sa umaga , may hearing ako sa isang case then sa hapon parati akong nabisita sa Ally's . Gusto kong maging hands on kasi minsan hindi na rin ako nakakabisita rito dahil may hearing ako na napapatapat sa hapon . Kaya kapag natatapos ay minsan napapatapat sa closing ng Ally's . Kapag uuwi ako , hindi ko na naaabutan si Pampem . Namimiss ko ring kausapin at sumalubong sa akin kapag uuwi ako . Wala na nga akong asawa , wala pang anak na handang sumalubong sa akin .











Masaya ako kapag nakikita at nakakasama ko na ang anak ko . Si Pepper Krystal Abrielle V. Ravena . I call her "Pampem" . Dani gave her that nickname . She's very malikot , may kiti kiti sa katawan , madaldal , pero kapag kinausap ko naman siya babait at tsaka susunod na sa akin iyan . Sa kakulitan ay wala akong magagawa . Nagmana raw sa akin sabi ni Mama , pano ba naman naka 4 na basag na ng isang vase , isang plate , isang drinking glass at yung kakabili ng paso sa garden ni Mama na pinagtataniman niya ng rose . Pero pagdating naman sa pag - aaral , wala naman akong masasabi . Top 2 siya noong grade 1 siya . Ngayong Grade 2 , hindi ko pa alam dahil July pa lang naman . Mag - eexam pa sila bago pa malaman yung mga kasali sa honors . Lahat naman ay napoprovide ko naman ang pangangailangan ni Pampem . Wala namang problema , pero may isa lang akong kulang sa kanya . At yun ay hindi ko maibigay sa kanya . At iyon ay ang isang mommy . 













Kung minsan ay hinahanap hanap ni Pampem ang mommy niya . Naiinggit dahil kapag uwian raw ay maraming mommy ang sumusundo sa mga classmates niya at sa ibang bata . Kapag araw ng Linggo , sisimba syempre family day pero naiinggit siya sa ibang bata na may mommy . Minsan nga gustong magpabraid ng buhok niya na mahaba . At ayaw magpahair cut lagpas na kasi ang buhok niya sa likod niya . Tapos nagre-request raw ng luto ko . Kapag breakfast kasi si Janice yung yaya niya ang magpe-prepare para sa amin . Yung luto naman ni Mama ang paborito niya . Kamukha kasi siya ng mom niya . Bibig at ilong ang nakuha niya sa akin at pati na rin ang ugali ko .











Nag-hire ako ng detective na'ng may makita akong isang babaeng model ng lingerie . Kamukha siya ng dati ko'ng asawa si Alyssa . Pero bakit kahit saang anggulo , kamukha niya yung asawa ko ? Siya nga ba si Alyssa ? Pero bakit yung name niya sa isang sikat na magazine sa Paris "Alessia Valdez" at may signature pa niya . I got some news to my detective at sabi niya papunta raw siyang Pilipinas , para ipromote ang perfume niya at yung lingerie raw . Pero kaya lang yung nasa date ay may hearing ako dun sa hinahawakan ko'ng case yung mismong araw na iyon . Sana ay makita na talaga kita at gusto ko ng mabuo ang pamilya natin . Gusto ko lang naman ay makita rin siya ni Pampem .















































~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~










Chapter 1 will or might be publish on this Friday Night or Saturday . . . . . . . . . . . . . .










Hope you all like my new story . . . . . . . . . . . . .










Thank You !!!!!!!!!!!

'Til I Found You'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon