Chapter 6 - Magical Forest

23 5 1
                                    

Shaira's Pov

Naglalakad ako sa hallway, masyado pa  maaga kaya kakaunti palang ang mga estudyanteng nakikita ko.

Nung nagising kasi ako tulog pa yung dalawang kasama ko, kaya mag-isa akong naglalakad ngayon.

Pumunta ako sa likod ng Academy,

tapos may daanan dun , lumapit ako "Magical Forest Do not enter" pagbasa ko dun sa karatulang nakasulat.

Di pa pala ako nakakalibot, ay nabanggit pala saken nila Ellise na ngayon nila ako ililibot.

Eh hanggang ngayon tulog pa kaya ako na muna mag isa ang maglibot wala naman atang mangyayaring masama saken dahil sa Barrier ko.

Pumasok na nga ako, at nagulat ako sa bumungad sa akin para akong pumasok sa ibang dimension

Ang ganda ng paligid, mga punong kahoy na nagkikislapan, at nang lingunin ko yung pinagpasukan ko, para syang pintuhan ng lagusan ganun,

A/N: Pakitignan nalang ang picture sa itaas haha yung pintuan na pinasukan ni Shaira ang nandun.
Mga ilang segundo habang nililibot ng singkit kong mata ang paligid nung biglang may lumapit saking babae, ang gandang bababe, na may pakpak, Fairy! Na kasing laki ko, ang ganda nya

Lumapit sya sakin,

"Maligayang pagdating prinsesa Shaira"

"Eh? Alam ko pong pasado ang ganda ko sa pagiging prinsesa pero hindi po ako prinsesa" nakangiti kong sinabi sa babaeng maganda

"Anak ka po ni King Aaron at Queen Aira hindi po ba? Nakikita ko ang mahal na reyna sa katauhan  mo mahal na prinsesa may busilak na puso at isang makapangyarihan na nilalang " nakangiti nitong sabi sa akin hinayaan ko nalang.

Hihi

"Maiba nga po, anong lugar po ito? At hehe ano pong pangalan nyo? " tanong ko , teka anak ng hari at reyna ako.

Weh?

Ay, naku hayaan mo na nga sya

"Ito ang Magical Forest, at ang pangalan ko ay Fiona  " pagpapakilala ni Fiona

"Ah, Kayo lang po ba ang nandito?" Tanong ko ulit, sorry naman kung medyo madaldal ako.

"Marami kami dito katulad ko rin mga fairy, may mga hayop ding naninirahan dito at kami ang nangangalaga doon." Paliwanag ni Fiona

"Ah ok, pero pwede bang kahit sino  makakapasok dito?" Tanong ko

"Pinipili lang ang pwedeng makapasok dito, ikaw at ang iyong ina palang ang nakapasok dito, sapagkat ang pintong iyong pinasukan ang siyang pumipili ng pwedeng papasukin na mundong ito, hindi maaaring pumasok ang Enchantei ng walang pahintulot ang pintuan ng lagusan sapagkat sinumang pilit na pumasok dito ay hindi na makakabalik sa Enchanted World"mahabang paliwanag ni Fiona

"Bakit po hindi na makabalik ng buhay?" Pagtatakang tanong ko

"Sapagkat sa Magical Forest may inilagay ang unang tagapangalaga dito ng isang uri ng mahikang walang nakakaalam ninuman , sa mundong ito walang makakaamoy ng mga enerhiyang naninirahan dito dahil sa harang na nakapalibot dito kapag nandito ka asahan mo magiging ligtas ka sapagkat ang mga may masasamang hangarin kailanmay di makakapasok sa pinto ng lagusan, at dito rin naninirahan ang mga mababangis na mga uri ng hayop na wala sa inyong mundo, kami ang nangangalaga sa mga iyon, at kaya dito namen itinago ay masyadong mapanganib sa labas, nakikita mo ba iyon?" Itinuro nya sa akin ang mga malalaking nilalang sa malayo, at nung titigan kong mabuti isa itong higante... No Cyclops ! Yung malalaking nilalang na isa lang ang mata "ay ang tinatawag na Cyclino may kakayahang silang tunawin ang lahat ng bagay na madapuan lang ng kanilang mata kung kanilang gugustuhin, at ang kanilan g mga katawan ay walang kasing tigas," paliwanag nito, grabe kakatakot pala ang mga yun

Magicia Academy : School of magicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon