Chapter 15 - He is not threat

28 6 8
                                    

Enjoy reading!

-------

Izel's Pov

Hanggang ngayon wala pang nakakaalam kung sino ang nagtakang patayin ang kapatid ko. Masyadong malakas ang lason na ginamit, nagtataka ako kung bakit natamaan si Shaira samantalang may nagsisilbing harang sa kanya at paanong nakapasok sa academy ang nagtangka sa kanya?

Ibig bang sabihin nun kung ganun dapat malaman niya ito kaagad.

*Tok! Tok!

Nabaling ang atensyon ko sa pintuan, naamoy ko kaagad ang kanyang kapangyarihan

Di naman nagtagal pumasok naman ito kaagad

"Mr. Izel" bati niya, tumango lang ako at tinuro ang upuan, umupo naman kaagad ito,

"May balita na ba?" Tanong ko sa kanya, konting tao lang ang nakakaalam na isa akong prinsepe at ang tungkol sa aking kapatid, at isa na ang taong nasa harapan ko ngayon.

"Palihim kong kinuha ang pana na ginamit sa prinsesa at napag alaman kong may dugong galing sa dating hari ng Cataras " ulat nito

"King Morion, matagal nang panahon ng huli silang nagparamdam, ano ang kanyang pakay? Imposible bang alam na niya ang tungkol sa aking kapatid pero paano?" Nagtataka parin ako hanggang ngayon

"Ngayong alam na natin  kung sino ang nangtangka sa prinsesa. Ano ang magiging  plano?" Tanong nito

"Nakakapagtaka lang na hindi ang mga taong inaasahan ko ang gagawa nito sa aking kapatid, ang mga darkenians sila ang una kong pinaghinalaan " napahawak ako sa aking batok sa sobrang pag iisip

"At paano naman sila nakapasok sa loob ng academy gayong malakas ang harang nito" nagtatakang tanong din nito

"Isa lang ang dahilan may espiya sa loob ng academy, at yun ang magiging misyon ng kasama mo, alamin ang espiya sa loob ng academy, at ikaw magmanman sa labas at palibot ng academy dahil nararadaman ko ang kanilang presensiya " utos ko sa kanila

*tok*  *tok*

"Mahal na prinsepe, gising na ang prinsesa" pagbabalita nito at umupo na sa tabi ng taong kausap ko,

"Tama ang dating mo,  may ipagagawa ako sa iyo may nag eespiya sa loob ng academy,  alamin mo kung sino ito" utos ko sa kanya

"Masusunod mahal na prinsepe" sagot nito sa akin

Tumango lang ako

Tumayo na sila at nagsimula nang lumabas

Sumunod na rin ako kaagad dahil pupunta pa ako sa aking kapatid.

Kung tama ang hinala ko na kailangan malaman ito ng aking kapatid para di na mauulit ang nangyari sa kanya

Shaira's Pov

Nagising ako nang masakit lahat ng parte ng katawan ko,

Nilibot ko ang paligid ko

So andito na naman ako sa Clinic , pangalawang beses na ako dito.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa nagsalita. Pamilyar ang mukha pero di ko alam kung saan ko ba nakita

"Ok naman po pero medyo masakit ang katawan ko" nag aalangan kong sagot, pero ang totoo sobrang masakit lahat ng parte ng katawan ko

"Sa umpisa lang yan pero mayamaya mawawala na yung sakit" nakangiting sagot nito sa akin,

Nagtataka man  pero ngumiti nalang ako

Magicia Academy : School of magicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon