Enjoy reading!
Sana po magustuhan niyo
---------
Shaira's Pov
Nakakapagod. Hindi ko alam kung ilang oras na kami naglalakad ni Ms. Fiona. Gustuhin ko mang gamitin ang kapangyarihan ng hangin para lumipad na lamang ngunit mahigpit akong pinagbawalan ni Ms. Fiona makakakuha lang daw kami ng atensyon sa mga nilalang na naninirahan dito sa Erion Forest.
"Ummmm ummmm ummm---" pero agad akong pinatigil ni Ms. Fiona sa ---- nagtataka ko siyang tinignan kasi para siyang nangangapa sa hangin na nasa harapan niya.
"Andito na tayo" nabuhay ang diwa ko nang sabihin niya. Mga salitang kanina ko pa gustong gustong marinig!
Pumunta ako sa harapan pero wala naman akong nakitang kakaiba bukod sa mga puno na kanina ko pa nakikita. Pero ang hangin iba ang presensya nito sa akin .
Magsasalita na sana ako para magtanong kung ano ang sinasabi niya. Nang bigla itong mag salita
Kapangyarihan bumabalot
Ipakita ang nasa loob
Mabuting hangarin
Tuluyang papasukinIlang segundo ang itinagal pagkatapos bigkasin ni Ms. Fiona ang mga salitang iyon nang magliwanag ang nasa harapan namin at lumitaw isang bahay ng napapalibutan ng mga baging
Naunang naglakad si Ms. Fiona sumunod naman ako kaagad sa kanya.
Nasa harapan kami ng pintuan ng bigla itong nagbukas. Unang pumukaw ng atensyon ko ang isang malaking bola na umiilaw. Nang ilibot ko ang aking paningin, mga libro naman ang aking nakita.
Napasigaw naman ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran.
"Ano ang ginagawa ng isang prinsesa at tagabantay sa aking teritoryo?" Nang lingunin ko ito. Namangha ako sa ganda niya.
"Paumanhin, pero kailangan ng mahal na prinsesa ang iyong tulong" nakayukong sambit Ms. Fiona
Nang tingnan niya ako sa mata bahagya pa itong natigilan. Lumapit ito at hinawakan ako sa pisngi
"Tulad ng aking inaasahan"makahulugang sabi nito "Namana mo ang kanyang kagandahan, masaya akong nagkita tayong muli , mahal kong pamangkin" nagitla ako sa aking narinig.
Fudge!
Pamangkin?
Tita ko siya!
As in kamag-anak?
Kfine. Pa ulit ulit!
"Handa kana ba?" Napatigin ako sa kanya
Magsasalita sana ako ulit para sagutin siyaKasi handang handa na ako kanina pa.
"Handa kana bang tanggalin ang selyado ng iyong mga kapangyarihan?" Nagtataka ko itong tinignan.
Selyado?
Ng kapangyarihan ko?
Binaling niya ang tingin sa likod ko
"Tapos na ang iyong misyon tagabantay" sabi nito
Nakita kong yumuko ito sa kaharap ko. Pagkatapos humarap ito sa akin at tipid na ngumiti. Yumuko rin ito pagkatapos sa akin
"Hanggang sa muli mahal na prinsesa" pamamaalam nito . At biglang naglaho
"Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari" naguguluhang tanong ko sa kanya
Nilahad nito ang kanyang kamay sa akin hindi naman ako nagdalawang isip na tanggapin ito
"Hayaan mong ipaliwanag ko sayo ang lahat" nakangiting sagot nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Magicia Academy : School of magics
Fantasy~~~~~~~~~~~~~~ In magical world magics are existed A girl from a mortal world who had happen to be their savior Or a girl from a mortal world who had happen to be a traitor. World full of mystery World full of magics Who will you believe? To whom...