Chapter 14 - The Battle Game

22 5 1
                                    

Enjoy reading!

Godbless
.........

Shaira's Pov

Nandito kami ngayon nang kagrupo ko sa gilid ng battle field

Ngayon lang ako nakapunta dito sobrang lawak nito. Nasa pinakagitna ang napakalawak na field tapos pabilog na upuan pataas. Kung ihahalintulad sa normal world parang basketball court ito na may nakapaligid na upuan pataas.

Gaya nga ng sinabi ko kanina, sobrang lawak nito then pinalibutan ito ng upuan pataas.
At nandito kami ng mga kagrupo ko sa tabi ng pintuan sa baba sa gilid kami nakapwesto at alam kong sa kabilang dulo nandoon ang kabilang kagrupo na makakalaban namin.

Sila Caiden!

"Magandang araw sa inyong lahat mga aking malugod na estudyante ng Magicia Academy ngayong araw ipagdiriwang natin ang nakagawiang taunang palaro ang Game battle. Tulad ng nakagawian ang grupong matitira sila ang tatanghaling mananalo, ang grupong  mananalo ay may matatanggap na premyo mula sa mga council. Sa gaganapin na laban kapag hindi na kaya ng iyong kapangyarihan ang makipaglaban kusang maglalaho at lalabas ka sa battle field. Maaaring gawin niyo ang alam niyong makakabuti sa inyong mga kagrupo. Ang pinakarule sa laban na ito BAWAL ANG PUMATAY"

Nagpalakpakan ang mga estudyanteng nandito sa battle field

Nakita kong itinaas ni Mr. Gray na siya ngayong nagsasalita sa harap ng maraming estudyante ang kanang kamay niya kasunod naman ito ay nagsitahimik ang mga estudyante

"At gaya ng nasabi sa inyo ni Ms. Cassie nakapili naba kayo ng tig isang maswerteng miyebro sa magkabilang grupo na di makakagamit ng kapangyarihan? At kung maaari bang lumapit ang leader ng bawat grupo sa harapan."

Hindi pa ako nakakapagsalita nang biglang umangat ang lupang kinatatayuan ko at nagtungo sa harapan gayundin ang nangyari kay Caiden. Nagiwas ako ng tingin ng magtama ang mga tingin namin, nahuli ko pang ngumisi ito sa akin irap lang ang itinugon ko sa kanya

Ako ang unang tinanong, kagabi pinagisipan kong mabuti ang pipiliin ko at alam kong makakabuti ito sa aming plano

"Ang pipiliin ko ay si Flynn ang Water user" tiningnan ko ang ekspresyon ni Caiden, seryoso lang itong nakatingin sa akin

At gaya ng inaasahan ko

"Kylar , Fire User" ang napili ni Caiden

Pagkatapos naming sabihin ang mga pinili namen pinabalik naman kami kaagad sa aming pwesto.

Nakita kong biglang napalibutan ng puting ilaw ang battle field nasa loob kami. Naglalakad kami papunta na sa magiging pwesto namin sa field

"Shield ni Mr. Gray yan  siya ang may pinakamatibay na gumawa ng harang dito sa academy" narinig kong sabi ni Ellise

"Pag natapos ang bilang ng numero sa itaas hudyat na magsisimula na ang laban" tumingin kami sa taas

Kahit kinakabahan ako pilit akong nagpapakatag para sa mga kagrupo ko,

"3"

"2"

"1"

"Ngayon na" sigaw ko,  bigla nila akong pinalibutan, binigyan ko sila ng kanya kanya nilang shield alam kong hindi ganun katibay kagaya ng akin pero alam kong makakatulong ito sa kanila, humakbang paabante sila Kylar, Jenie Winna, Ellise at Cielo nasa magkabilang gilid sina Cielo at Kylar.

"Ngayon na Jenie" narinig kong bulong ni Winna

At gaya ng nasa utos ko sa kanya. Tinutok niya yung stick na hawak niya sa sahig at biglang gumapang ang kanyang kapagyarihan sa sahig papunta sa pwesto nila Caiden. Naging yelo ang sahig ng buong battle field

Magicia Academy : School of magicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon