Chapter 16 - asdfghjkl

27 5 5
                                    

Dont mind the title of this chapter! Hindi ko lang po talaga alam kung ano ang itatitle ko dito sa chapter na 'to.

Enjoy Reading!

------

Shaira's Pov

Nandito kami LAHAT sa traning room, ngayon na kasi kami mag uumpisa sa pag eensayo, kanina pa ako naiirita kay Caiden paano kasi laging nakangiti na ewan. Nagulat nga sila Flynn at yung iba sa kaniya kasi nakangiti itong pumasok. Ewan ko ba tapos kapag titingin ako sa kaniya ngingiti saken na parang ewan.

Creepy!

Parang baliw.

Pero mas parang baliw ako kasi sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin sasabayan pa ito ng ngiti niya bigla nalang umiinit yung pisngi ko.

Tulad ngayon,

"Be, tignan mo yun oh" sabay turo ni Riya kay Caiden na kasama sila Flynn na nakaupo "ohh bakit? " patay malisyang tanong ko

"Sus kanina pa nakatingin sayo nakakapanibago na hindi siya nag susungit" nakangiting sagot nito

"Tapos?"

"Yieeh anong meron sa inyo, tingnan mo titingin ulit yan dito" at ang loko tumingin nga!

Hindi ko alam pero alam kong namumula ako sa mga oras na ito.

Paano ba naman kasi nagtilian yung mga kasamahan kong babae pasimple pala silang nakikinig sa amin ni Riya

"Enough of that! " Biglang pumasok si Ms.Cassie.

Tumahimik kami kaagad!

Wala ni isa nagsalita

"So, magsimula na tayo?" Ngiting tanong  niya. At tumingin sa akin

Tumango naman kami

"Caiden, Flynn, Kylar, Cielo Thunder" pinagtuturo niya sa mga ito " fight with me, physical attack  first" nakangiti ito habang nagsasalita

Nag aalangan man sila pero umabante ang mga lalaki.

Unang sumugod si Flynn na sinundan naman nila. Masyadong mabilis ang mga galaw na halos hindi ko na masundan ang kanilang bawat kilos.

Magaling si Ms. Cassie, dahil kaya nitong iwasan ang mga bawat atake nila Caiden

Parang nalalaman nito ang bawat susunod na atake ng mga ito sa kanya. Kaya madali lang sa kanya ang iwasan ang mga ito.

Humihingal na yung lima pero nakangiting nakatayo lang si Ms. Cassie na parang wala lang sa kanya.

"Ummm, try harder.. Pasasaan din magiging magaling kayo, Caiden you need to control your emotions. Huwag padalos dalos sa mga galaw. Tandaan mo maling kilos lang tapos kana. Thunder dont let your guard down. Huwag mong hayaan na makakita ang kalaban ng kahit konting butas para makalusot sa inyo always remember that. Kylar your power is Lighting , you need to be your power, try faster. Huwag mong hayaan na maunahan ka ng kalaban mo. Cielo huwag kang padadala sa nakikita mo, hindi porket babae, nililimitahan mo ang lakas na inilalabas mo. Your power is strength a shapeshifter, you are strong. Sa laban walang pinipili. Ang kalaban ay kalaban babae man ito or lalaki. He or she is still an enemy. And lastly  Flynn just like Cielo masyado kayong malambot. Looks can decieving minsan ang mga nakikita natin ay hindi totoo, yung inaakala nating mabuti yun pala ang masama and vice versa. Sa mundong ito huwag kayong padadala sa emotion niyo, ito ang maghuhulog sa inyo sa kapahamakan. Piliin niyo ang paniniwalaan niyo. Piliin niyo kung ano ang mabuti, Tandaan niyo kailanman hinding hindi mananalo ang kasamaan sa kabutihan" makahulugang paliwanag ni Ms. Cassie.

Magicia Academy : School of magicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon