Chapter 7 - Training (Part 1)

24 5 1
                                    

Shaira's Pov

Naging usap-usapan ng mga estudyante ang gagawin sa sabado ang battle week.

"Kinakabahan ako" sabi ko kay Ellise na kasama ko ngayon pati narin si Chloe sa pagpunta sa Canteen,

pagkatapos kasi nung insidente sa Classroom kanina ay nagkanya kanya na kame yung grupo nila Riya may pinuntahan saglit sa dorm ata nila pero susunod din daw sila sana nga di nila isama yung epal na Caiden na yun ,

Nakakainis talaga yun.

"Para saan?" Tanong saken ni Ellise lumingon narin saken si Chloe

"Sa sinasabi nilang battle week, eh sa sabado na. Kailangan ba talaga lahat ng estudyante eh kabago bago ko lang naman, malay ko ba kung anong ginagawa nila dun!" Reklamo ko,

"Kailangan kasi yun for grades tsaka di ka naman gaano masasaktan kasi may mga healers na gagamot after the battle kaya dont worry " si Chloe na ang sumahot na nakangiti

Napangiwi ako,

"Kahit na naku wala pa akong alam kung paano makipaglaban" sabi ko sa kanila


"Baliw ka, baka nakalimutan mo na! Eh training ang next subject naten mamaya, mixed class din yun ng 1st level at 2nd level ,magkasama sa training ang dalawang level para daw magturuan ganon ba. Tsaka 1st level ka pa lang so ok lang yan madali lang naman yun ,tsaka kalevel mo lang ang dapat kalabanin. di pwedeng magkaibang level kasi unfair naman pag ganun diba? Same  traning room  lang naman tayo!" Paliwanag ni Ellise saken,

"Ah yun naman pala eh! " sagot ko

"Pero si Mr. Izel ang teacher naten dun naku, kasing sungit ni Caiden yun" si Ellise ulit ,

tahimik na ulit si Chloe sa yabi namin

"Eh? " sagot ko

"Pero ang gwapo nya!" Kinikilig na sabi ni Ellise,

"Psh!" Si Chloe, napatingin tuloy ako sa kanya, nakita kong may paparating,

teka!

Pamilyar saken yung mukha nya,

"Hi Mr. Izel " bati ni Ellise nagnod lang ito at tumingin saken, ngumiti nalang ako kasi sya yung pinaguusapan namen kanina, at sumulyap pa ito kay Chloe at si Chloe deadma lang 

nakita ko yung picture nya dun sa isang lobby, Hindi ko lang binasa yung info

"Alam mo ba ang bata pa kaya ni Mr.Izel imagine 23 years old kasi kakagraduate lang nun then isinabak sa misyon mga ilang taon then nung bumalik last year ayun teacher na sya pero feeling ko parang iba ang awra niya,  " paliwanag ni Ellise

"Were here!" Biglang sabi ni Chloe at nung tignan namen andito na nga kame sa Canteen,

"Guys!" Kaway ni Cielo samin dun sa dating pwesto namen

Pumunta nalang kame dun sa pwesto namen

"Order nyo guys? Ako nalang kukuha" nakangiting tanong ni Cielo,

napangiti nalang ako kasi napansin kong sumulyap pa ito kay Ellise.

"Lasagna and melon shake" si Chloe

"French fries 2 order large, at Mango shake." Si Ellise

"Umm, french fries, lasagna at Orange juice lang "nakangiti kong sabi kay Cielo "2 order ng French fries ah!" Pahabol ko, tumingin silang tatlo saken , "hehehehe gutom ako eh" nakapeace sign pa ako , nagkakamot nalang ng batok si Cielo habang umaalis,

Magicia Academy : School of magicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon