Chapter 11 - Truth and Revelation

24 5 2
                                    


Shaira's Pov

Nandito ako ngayon sa Hidden room inaantay si Mr. Izel, gumawa ako ng portal papunta dito para makatakas na rin sa mga kaibigan ko.

Nakakalungkot lang kasi hindi ko mapapanuod ngayon ang pakikipaglaban ng mga classmate ko.

Ngayon kasi yung battle week!

Lalo na yung mga kaibigan ko

Biglang bumukas yung pintuan at pumasok na si Mr. Izel

"Hindi tayo magtetraining ngayon, dahil may sasabihin ako sayong napakaimportante " ang seryosong sabi ni Mr. Izel

Bigla naman akong kinabahan.

Umayo na ako ng upo sa sahig , indian seat. Umupo naman si Mr. Izel sa aking harapan katulad ng aking pagkakaupo.

"Sana sa mga malalalaman mo huwag kang mabibigla " panimula nito

Kahit kinakabahan ako ay pinilt kong ngumiti

"Ibigay mo sakin ang iyong kamay" inabot ko naman  ito kaagad.

Pagkahawak ng kamay namin , bigla akong nahilo, parang hinihigop ng isang enerhiya ang aking lakas napakainit subalit nakakagaan ito sa pakiramdam. Hanggang sa balutin ako ng kadiliman

" Ina Mahal na mahal ko po kayo nila ama at kuya " masayang sabi ng batang babae,

"Mahal na mahal ka din namin anak " ang sagot ng isang lalaking magarbo ang kasuotan , katulad ng magandang  babae na nasa harapan ko magaganda rin ang mga kasuotan na mukhang mga Hari't Reyna, katabi nito ang batang babae, at nasa likod naman nito ang isang lalaki medyo mas matanda ng ilang taon sa batang babae, nang tignan ko ito nanlaki ang aking mga mata.

Sobrang pamilyar ang mukha ng batang lalaki!

Si Mr. Izel !

"Anak kahit anong mangyari bantayan mo ang iyong nakakabatang kapatid " ang sabi ng mukhang hari sa batang lalaki, nakangiti naman itong tumagot at sumagot "Opo ama poprotektahan ko ang ating munting prinsesa"

Sobrang saya nilang tignan.

So ito ang mga pamilya ni Mr. Izel bakit napapaginipan ko ang mga ito?

Biglang napatingin sakin ang reyna! Bigla akong kinabahan

Pero parang mayroon sa loob ko na masaya ako.

"Mag iingat ka " ang bulong nito pero narinig ko alam kong sakin niya sinasabi kasi sa akin ito nakatingin at pagtingin ko sa likod ko walang tao

Anong koneksyon ko sa kanya?

Bakit parang masaya ako sa nakikita ko?

At bakit may nararamdaman akong mangungulila habang nakatingin ako sa pamilyang iyon

Parang may namimiss ako,

Biglang sumakit ang ulo ko

Pagmulat ng aking mga mata nasa ibang scene na naman ako

Magulo !

Maingay !

Maraming naglalaban, nakakatakot

"Kuya anong nangyayari?" Tanong ng batang babae sa nakakatandang kapatid neto,

Teka!

Bakit pamilyar ang mga eksenang ito?

Parang nangyari na ito .

Di ko lang matandaan kung saan?

"Dont be afraid baby, everything will going to be fine" sabi ng batang lalaki sa kapati niya at niyakap nito ang kanyang kapatid,

Magicia Academy : School of magicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon