Enjoy reading!
------
Caiden's Pov
Nandito ako sa training room, ako palang ang nandito dahil masyado pang maaga.
Sadyang wala lang akong magawa kaya inagahan ko ang pagpunta dito
Siguro uumpisahan ko na muna na paghusayin yung paglabas at paano kontrolin yung firewolf ko. Isa itong technique na hindi basta-basta, dahil kailangang kontrolado mo ang bawat kapangyahirang maipapalabas. Wala pang nakakaalam tungkol dito. At ilang araw ko na rin itong inaaralan.
Kailangan ko lang kontroling ang kapangyarihan ilalabas ko
Unti-unti nahuhulma na nga ito. Isang kumikinang na lobo. Nababalutan ito ng aking apoy.
Napangiti ako.
Ilang araw ko ring itong pinag ensayuhan. Sadyang sinuwerte lang ako at nailabas ko ito ngayon. Halos nanghihina ako sa kapangyarihang naipapalabas ko para sa technique ko na ito. Hindi ko pa nabubuo ng lubos at kusang naglalaho ito.
Maya't maya naman ay nakaramdam ako ng kakaiba,
Pinaglaho ko ang firewolf na ginawa ko. Lumabas ako at sinundan ang enerhiyang iyon.
Napunta ako sa likod ng library.
Mahigpit kong tinago ang aking enerhiya. Tinuruan ako ng aking ama tungkol sa pagtago ng enerhiya. Hindi ko alam na magagamit ko ito sa paraang ito.
Nakatalikod ang isang babae at nakatagilid ang taong nakacloak na itim. Isang estudyante ang babaeng kausap ng nakacloak. Dahil sa uniform na suot nito hindi ko mabatid kung anong user ito dahil may kalayuan ang pwesto ko sa kanila.
"Ano nang balita?" Narinig kong tanong nung nakacloak. Lalaki ang nasa likod ng taong nakacloak na itim.
"Patawad, dahil sa ngayon wala pa akong kakaibang nakikita sa prinsesa." Sagot nung babae, nakapamilyar ng kanyang boses.
Pero sa pagkakataong ito, hindi ko matandaan kung saan ko nga ba narinig ang boses na iyon. Pero nasisiguro kong narinig ko na ito ng malapitan!
"Magmadali ka, alam mong ayaw ng pinuno na pinag-aantay siya ng matagal. Huwag na huwag mong subukang bumaliktad dahil alam mo na ang magiging kapalit nito." Pananakot nito sa babae
"Opo" nakayukong sagot nung babae
Kailangan ko nang umalis!
Kaya nagmadali akong umalis sa kinalalagyan kong pwesto
Ngunit sino ito?
Nababatid kong may dahilan ito...
Dahil na rin sa narinig kong 'kapalit' nasisiguro kong may hawak ang mga ito sa babae kaya napipilitan itong gumawa ng masama. Hindi ganun kakitid ng aking utak para hindi makaintindi ng mga sitwasyong kagaya non, pero hindi ibig sabihin pinapaboran ko ang ginagawa nung babae. Gusto kong malaman ang kanyang MABIGAT na dahilan.
Pero sino ba talaga ang babaeng iyon.
At may nabanggit siya.
PRINSESA?
Kung ganon isang prinsesa ang kanyang sinusubaybayan dito sa academyang ito.
Ngunit papaanong prinsesa.
Prinsesa sa anong kaharian?
Dalawang prinsesa lang naman sa dalawang kaharian ang kilala ko.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pintuan ng training room
BINABASA MO ANG
Magicia Academy : School of magics
Fantasy~~~~~~~~~~~~~~ In magical world magics are existed A girl from a mortal world who had happen to be their savior Or a girl from a mortal world who had happen to be a traitor. World full of mystery World full of magics Who will you believe? To whom...