Chapter 21 - The Prophecy (Part 2)

25 2 0
                                    

Enjoy reading !

---------------

Third person's Pov

Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko may nag iba sa akin. Minsan nakikita ko nalang na bigla-biglang iilaw yung palad ko tapos kapag tinitigan ko ng mabuti wala naman. Namamalikmata lang ata ako.

Tuwing gabi naman palagi ko namang napapaginipan ang isang magandang babae. Nung una takot na takot ako hanggang sa nawala yung takot ko gabi gabi ba naman mapaginipan ko. Pero ang weird lang kasi may binibigay itong isang kwintas na pa oval ang shape. Lagi niya ring sinasabi na tanggapin ko ito tapos kapag tinatanong ko kung bakit ngingitian lang niya ako. Minsan dinala pa niya ako sa kanyang lumay. Tinanong ko kung ano yung lumay tirahan daw niya. At magiging tirahan ko rin daw kapag isinilang na ako. Like Wtf! Isisilang ako? Gusto kong tumawa pero nahihiya ako. Minsan pa nga kinilabutan ako pag gumagawa siya ng isang bahay na sobrang imposible gaya ng magpalutang? Kinukumbinsi ko nalang yung sarili ko na panaginip lang naman ito.

Basta marami siyang sinasabi sa akin na mahirap paniwalaan. Hanggang sa paggising ko nakikita ko nalang yung sarili ko na nasa lapag na wala na sa aking kamang hinihigaan.

Minsan iniisip ko panaginipan lang naman yun diba

Nababaliw na ata ako.

Mag iisang buwan na akong nagkakaganito.
Oo isang buwan na. Ilang beses ko naman inopen kay mama ang bagay na ito. Pero tititgan niya muna ako nag aantay ata na sabihin kong

Joke!

Tapos biglang sasabihin na

"Nak' may pagkain sa lamesa. Kumain ka. Sabi sayo huwag kang magpalipas ng gutom, tingnan mo ang nangyayari sa yo." Laging ganyan

Namimiss ko na nga iyong kaibigan ko.

Minsan iniisip ko sana andito pa siya. Para sa kanya ko ikukwento yung mga weird na nangyayari sa akin panigurado maiintidihan niya ako kagaya nung---'

"Nak kain na" narinig kong sigaw ni mama sa akin

"Opo! Papunta na dyan"

-----------------------

Andrew's Pov

Magkasama kami ngayon ni Izel dito sa kanyang silid kaharap yung apat na tinirain ko.

Nararamdaman ko sa kanila ang kakaibang kapangyarihan. Hindi nga nagkamali Izel sa pagpili sa kanila

Mukhang sa pagkakataong hindi kami ang hindi mabibigo!

"Ngayong natapos na kayo sa pag tetraining. Nasabi ko naman na rin sa inyo ang magiging misyon niyo hindi ba?" Seryosong tanong ni Izel sa mga batang ito.

"Opo Mr. Izel " magalang na sagot ng mga ito

Naiiling nalang ako.
Masyadong seryoso talaga ito kaya parang natatakot sa kanya ang mga bata.

"Gusto kong lumabas kayo dito sa akademyang ito pero hanggang sa hangganan lang kayo alam niyo naman na kung saan ang hangganan ng barrier ng akademyang ito hindi ba? Magmanman kayo may nakapaligid na kalaban sa akademya natin at yun ang magiging misyon niyo gawin niyo ang gusto niyong gawin sa mga kalaban pero magtira kayo ng isa pag may nahuli kayo at dalhin ito para makakuha tayo ng impormasyon." Utos ni Izel sa mga ito

"Opo"

"Inuulit ko huwag kayong lalayo sa barrier mas mabuti nang nagiingat. Yun lang at pwede na kayong lumabas mag umpisa na kayo bukas sa ngayon magpahinga na muna kayo" -Izel.

Tumayo na yung apat na bata at yumuko muna sa aming dalawa bago lumabas. Pero lumingon ang mga ito ng magsalita si Izel

"Ingatan niyo ang inyong mga sarili" huling paalala niyo sa apat ng estudyante at tuluyan nang lumabas

Magicia Academy : School of magicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon