Sorry sa mahabang pag aantay!
Sana magustuhan niyo ito.
Enjoy!
Shaira's Pov
3 days! Tatlong araw simula nung nanggaling ako sa headmaster's Office, napag-alaman kong ina ito ng isang kaibigan ko na si Riya si Headmaster Erin.
Nandito ako sa likod ng academy, malapit sa may Magical Forest.
Hindi ako nagdalawang isip na pumasok ulit sa Magical Forest.
Sumalubong sa akin ang malamig na hangin,
Biglang lumitaw sa aking harapan si Fiona, ang tagapangalaga dito sa Magical Forest
Ngayon ko lang napagtanto na totoo ang una niyang pagkilala sa akin. Na isa akong prinsesa. At tulad ng sinabi niya anak ako ni Haring Aaron at Reyna Aira. Naikwento din minsan sa akin ni Kuya ang tungkol sa aming mga magulang.
"Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa" nakayuko nitong bati sa akin
Ngumiti lang ako sa kanya
"Nararamdaman ko ang iyong kagustuhan na malaman ang buong katotohanan" nakangiti nitong turan sa akin
Tumango nalang ako
"Maraming gumu-gulo sa aking isipan, parang may kulang sa pagkatao ko, "
"Maaari kitang matulungan mahal na prinsesa"
Napatingin ako sa kanya
"Sa isang malayong lugar naninirahan ang isang pinakamakapangyarihang mage, may kakayahang magbigay ng katotonan at iulat ang iyong nakaraan, Siya si Enchantress Iris, matagal nang namumuhay ito nang napakamahabang panahon. Ngunit sa bawat dadaanan patungo roon ang maraming pagsubok ang kailangan lampasan " mahabang paliwanag nito sa akin
"Kahit anong hadlang, kakayanin ko malaman ko lang ang buong katotohan" seryosong sagot ko.
"Kung ganon bukas ay kailangan na nating maglakbay. Magkikita tayo bukas mahal na prinsesa sa likod ng iyong tinutuluyan bukas bago ang pagsilip ng araw. " at yumuko ito bilang pag galang.
-----
"Masyado atang malalim ang iniisip mo " napalingon ako kay Chloe na umupo sa tabi ng kama ko. Nandito na ako ngayon sa loob ng dorm ko.
"Wala lang ito" ngumiti ako sa kanya
Tinignan ko siya
Malungkot ang emosyon sa kanyang mga mata
"Ah Chloe may problema ba?" Tanong ko sa kanya
Parang nanigas siya sa kinauupuan niya at umiwas ng tingin.
Alam kong mali pero sinubukan kong gamitin sa kanya ang isa sa mga kapangyarihan ko.
Binasa ko ang nasa isip niya.
Napaatras ako ng malaman ko ang totoo,
Bumigat ang pakiramdam ko feeling ko matutumba ako kahit nakaupo naman ako.Bakit?
"Chloe" halos pabulong kong sambit
Nakatitig lang ito sa akin. Alam kong wala siyang ideya sa aking kapangyarihan. Na isa akong telepathy.
Sa mga nabasa ko sa kanya nalaman kong may dahilan siya. Ayaw kong gumawa ng isang hakbang na pagsisihan ko sa huli.
Bakit hindi ko manlang naramdaman ito sa mga sandaling nakakasama ko siya.
Nabaling ang tingin ko sa kanya ng magsalita siya
"Sige matutulog na ako. Goodnight Shaira " ngumiti ito sa akin. Ngiting totoo, ngumiti nalang din ako sa kanya
BINABASA MO ANG
Magicia Academy : School of magics
Fantasy~~~~~~~~~~~~~~ In magical world magics are existed A girl from a mortal world who had happen to be their savior Or a girl from a mortal world who had happen to be a traitor. World full of mystery World full of magics Who will you believe? To whom...