Chapter 4 - One of her abilities

24 4 0
                                    


Shaira's Pov

Napamulat ako kasi nararamdaman kong may mga matang nakatingin saken,

Nilibot ko ang aking paningin, teka! Diko ito kwarto ang ganda ng mga disensyo ummm,

"Teka! Ikaw! At ikaw din kayo yung nasa panaginip ko!" Nakaturo ko pang sabi dun sa dalawang babaeng may kulay na buhok, sa panaginip ko may mga magics sila .

"Panaginip? Nagkakamali ka totoo lahat ang mga nangyari sayo , sa ngayon nandito ka sa aming mundo. Sa enchanted world " paliwanag nung nakabrown na buhok, ito nalang ang diko alam ang name.

Kasi sa aking panaginip sa hindi daw naman totoo yung panaginip ko , na yung kulay blue na buhok ang pangalan ay Winna

"Ok, ilang oras na pala ako nakatulog?" Tanong ko at umupo na sa kamang hinihigaan ko

"Hindi oras, araw ang itinagal ng pagtulog mo." Sabi ni Winna

Ha? Seryoso? Nagtataka akong tumingin sa kanya

"Kasi bago kapa lang pumasok ng portal , hindi sanay ang katawan mo kaya naubos kaagad yung enerhiya mo, pero pag nagtagal masasanay ka rin." Paliwanag ni brown saken, kaya pala nahilo ako nung pumasok kame dun sa portal na sinasabi nila. Hayyy.

Di na yun mauulit.

"Ok na ang pakiramdam mo diba?"tanong saken ni..."Ano palang Pangalan mo kase itong nakablue hair Winna diba?" Tumango naman si Winna,


"Ayy pasensya na nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Riya"nakangiting pakilala nya at nakipagkamay.

Tinanggap ko naman

"Shaira" nakangiti kong sinabi sa kanya

"Tara punta tayong cafeteria" anyaya ni Winna

Lumabas na kame papuntang Cafeteria, mayamaya may lumapit , kilala ko sya!

Sya yung lalaking Green ang buhok si Flynn!

"Hi girls!" Lumapit ito sa amin at may inabot sakin

"Ito na yyng schedule mo at uniforms inasikaso ko na nung tulog kapa utos yun ni Headmaster Erin. " nakangiting paliwanag nya

Kinuha ko naman na sa kanya

"Salamat nga pala" sabi ko sa kanya

"Flynn nga pala water user" pagpapakilala nya nakalahad din yung mga kamay nya tinanggap ko din

"Shaira" Pagpapakilala ko ..."Err, diko alam yung user na sinasabi nyo eh." Nahihiya kong sabi

Natawa naman si Flynn at Riya si Winna naman tahimik na nasa tabi ko.

Ewan ko ba, kung bat ako nandito eh wala naman akong kapangyarihan kagaya nila.

Nalungkot naman ako,

"Uyyy. Wag ka nga malungkot dyan , kagaya ka namin , kung hindi, edi sana wala ka dito" pampalubag-loob saken ni Riya

"Tama tsaka yan oh, tignan mo uniform mo kulay white ibig sabihin Aether user ka, bawat kulay ng uniforms nakabase sa abilidad mo, gaya ako green ang pants ko tapos green na may linings na light green yung neck tie ko kasi Water user ako at Making portals ang special ability ko. " paliwanag ni Flynn.

"Oo tama sya, kagaya ka din namen kase pag mortal ka di mo makikita itong Academy kase may barrier ito. "Si Winna naman ang nagpaliwanag

"Talaga, eh Kung aeter user ako anong kapangyarihan ko"excited na tanong ko sa kanila, andito na pala kame sa Loob ng cafeteria, umalis muna si Flynn kase sya ang mag oorder ng pagkain.

Magicia Academy : School of magicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon