Chapter 22 - Outside of the Academy

18 2 1
                                    

Maraming salamat sa pag aantay!

Enjoy reading ^_^

-----------------

Jenie's Pov

Maraming nagbago!

Siguro masasabi kong may nagbago sa mga kapangyarihan namin, maraming tricks ang naituro samin ni Mr. Andrew siya ang naging mentor namin at masasabi kong magaling siya. Hindi lang magaling malakas rin. Siya yung tipong kung titingnan mo parang wala lang pero pagdating sa labanan. Kikilabutan ka talaga!

Nagpapahinga kami ngayon sa loob ng Academy. Ngayon lang kami ulit nakapasok sa loob kasi sa mga nagdaang araw nasa labas kami nagmamatyag sa paligid ng academya.

Nasa ilalim ako ngayon ng puno nagpapahiga kasi mamaya lalabas na naman kami para magmatyag.

"Oy! Anong mukha yan ah"- nabaling ang atensyon ko sa taong gumambala sa pag mumuni muni ko

Nakangising mukha ni Jonax ang sumalubong sa akin

"Ang epal mo kahit kelan" pantataray ko sa kanya

Ganyan kami sa mga nagdaang linggo ng aming training. Mas close kami kaysa kay Stefan na minsan kong naging kagrupo nung battle na si Shaira ang leader namin.
Masyado kasing tahimik ang isang yun. Parehas sila ni Elsa na hindi rin nagsasalita. Parang ang hirap nilang pasalitaan.

"Mamaya nga pala pinapasabi ni Mr. Andrew mag uumpisa na naman tayo..

Sinabi kasi sa amin nung isang araw na lalabas na naman kami.

"Nasabi mo na dun sa dalawa?" Tanong ko sa kanya na umupo na pala sa tabi ko. Itong lalaking ito yung tipong gugustuhin mong makasama araw-araw, though not romantically yun tipong sa isang katulad kong masalita rin. Dito lang ata kami nagkakasundo sa pananalita 

"Hindi pa, pero si Elsa nakita kong nakausap ni Mr. Andrew kani-kanina lang. Baka siguro alam na nila" sagot nito

Hindi nga nagtagal nakita ko yung dalawang naglalakad sa direksyon namin

"Ayun na pala sila" turo nitong katabi ko

"Nakita ko nga!" Sabi ko naman, ewan ko naman kung bakit naman siya natawa!

Tinitigan ko silang dalawa. Magandang nilalang sila pareho. Hindi ko naman ikakaila na maganda talaga si Elsa. Brown ang kanyang maiksing buhok. Yellow ang kanyang mga mata nasa kanang binti nito ang nag iisang Dagger na kanyang Weapon. Samantalang si Stefan naman na palaging seryoso , gray ang buhok nito. Sayang lang kasi---

"Hindi ko na itatanong kung anong mukha naman iyan!" Napatingin ako kay Jonax

"Ha?" Takang tanong ko naman

"Mukhang nahuhulog" sabi nito sabay halaklak.

Babatukan ko na sana siya kasi hindi ko naman naintindihan yung mga sinasabi niya.

"Ehem!" Narinig kong pag tikhim ni Stefan na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sila sa amin,  napatingin naman ako sa kanya.

Bigla akong kinabahan!

Umiwas kaagad ako ng tingin ng tumingin siya. Napahawak ako sa dibdib ko!

"So Tara na?" Mahinang tanong ni Elsa na hawak na yung dagger. Nag aantay sa magiging sagot ko.

Tahimik nalang akong nagsimulang maglakad!

Tahimik akong naglalakad nang biglang magsalita si Jonax

"Gusto mo makipagpalitan ako kay Stefan mamaya" tanong niya kasi mag partner kami tuwing lumalabas kami.

"Ewan ko sayo!" Sagot ko nalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magicia Academy : School of magicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon