Chapter 8 -
Chapter 8 – First Day
Hindi ako makatulog. Pabaling baling ako at nakakailang tingin na ko sa orasan. Hindi pa rin bumabalik si Joohyuk. Hindi na siguro yun babalik. Bumangon ako sa kama at binuksan ang pintuan. Tiningnan ko yung hallway, walang katao tao pero rinig na rinig ko na may mga tao sa baba siguro yun yung mga nagaayos pa. Sinarado ko yung pinto at sumandal.
"Haaay mukhang walang mangyayari ngayon ha. Buti nalang talaga umalis siya." Nakahinga ako ng maluwag doon. Nilock ko yung pintuan at hinubad yung wedding gown ko. Natanggal ko kaagad yung wedding gown ko. Mahihirapan sana ako sa pagtanggal ng gown ko kundi lang winakwak ni Joohyuk yung damit ko kanina kaya mabilis ko lang siya natanggal.
Naalala ko ulit yung mga nangyari kanina. Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko na para akong sinasakal. Pinikit ko ang mga mata ko at humingang malalim. "Ano ba kyung? Ano bang problema mo? Galit ka dun sa tao okay? Wag kang magpaapekto okay? Maliwanag ba?" Sabi ko sa sarili ko kasi naiistress na talaga aklo.
Sinuot ko yung isang robe na nakita ko. Tiningnan ko ng mabuti yung kwarto kasi kanina di ko masyado natingnan eh iba yung tiningnan ko kanina. May nakita akong pintuan, binuksan ko iyon at nagulat talaga ako sa nakita ko. Dalawang walk in closets ang nakita ko. Di naman sa echosera ako pero binuksan ko yung dalawang walk in closet nya at nashook talaga ako. Akala ko naman yung isa inihanda nya para kay Seohyun pag kinasal sila. Yung isa puro formal wardrobe nya habang yung isa naman puro casual nya.
" Grabe ha. What kind of guy needs two walk in closets ha dinaig ako. "
Kumuha nalang ako ng isang white shirt at isang boxer para maisuot ko. Napatigil ako at naisip na parang sobrang personal naman pag sinuot ko yung boxers nya. Di naman talaga kami you know magasawa talaga na nagmamahalan kaya napagdesisyunan ko nalang na ibalik. Nilabhan ko nalang yung underwear ko baka kasi may hair blower naman dyan. Bukas siguro tuyo na to. Nilabhan ko muna yung undies ko pagkatapos napagisip na magshower kasi ang lagkit lagkit ko na. Sobrang sarap sa pakiramdam ng maligamgam na tubig lalo na medyo masakit ang kalamnan ko sa pagod. Sana napapaginhawa nya din yung pakiramdam ko. Natapos na ako magshower. Sinuot ko yung lingerie na niregalo ng mommy ni Joohyuk para sana kay Seohyun. Sinuot ko din yung hiniram kong shirt sa kanya. Tiningnan ko kung may magagamit ba ako na toothbrush. Thank God may nakita akong toothbrush na mukhang di pa gamit. Natapos na ko magsipilyo at pumunta ako sa living room.
Naupo ako sa couch at binuksan ang tv habang yakap yakap ko ang sarili ko. Sino bang magaakala na isang iglap magbabago yung buhay ko. "Ano nang gagawin ko?" Naiyak nalang ako di ko namalayan nakatulog ako.
*knock knock knock knock*
Nagising ako sa malakas na mga katok. Tiningnan ko yung orasan. It's freaking 6am. Ang aga namang manggising ni mommy. "Cominggggg!"
Binuksan ko yung pinto at nagulat ako na si joohyuk pala yun. Nakita kong tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at biglang napalunok.
"Glad to see you feeling at home, my wife" Nakangiti pa siya na sobrang nakakainis. Tiningnan niya ulit ako mula ulo hanggang paa at nanatili yung mata nya sa hinaharap ko. I crossed my arms because that maniac is checking me out. ARRRRRGH i hate that guy.
Nagpunta nalang ako sa may closet. "I'm sorry nanghiram lang ako ng shirt mo kasi i don't have my things with me. Wala akong pamalit. I know I should've ask for your permission pero wala ka at hindi ko alam saan ka nagpunta"
Kinakabahan ako habang pinapaliwanag ko kung bakit ko suot yung tshirt niya. Images of him kissing me flashed on my mind. It made me blush I won't lie. Tiningnan ko ulit si Joohyuk to see anong reaction niya.
BINABASA MO ANG
Substitute Bride
RomanceThis story revolves around a girl named Lee SungKyung who accidentally married the hottest business tycoon to save her family from debts as well as her sister Seohyun. Would you sacrifice your own happiness for the sake of others happiness? Paano ku...