Chapter 12 - My Decision
Nagising ako nang magisa lang sa kwarto. Naririnig ko yung shower siguro naliligo na si Joohyuk. Napatingin ako sa orasan 8:30 na pala. Ang late kong nagising ngayon ha. Bigla nalang sumagi sa isip ko na pumili ng damit na isusuot nya ngayon. Wala lang it's just that I want to do something for him. Never kong naimagine na maging asawa at mas lalong hindi kailanman pumasok sa isipan ko na magiging asawa ako ni Joohyuk. Pumunta ako sa walk in closet nya at pumili ng isusuot nya. I chose a maroon turtle neck and a gray blazer.Pumili din ako ng slacks na kapartner nung pinili ko. Pumili din ako ng underwear na isusuot nya. Pipili na nga din ako kukumpletuhin ko na diba. Pumili din ako ng socks para sa kanya. Naisip ko baka di niya magustuhan yung pinili ko kaya kumuha pa ko ng isang set. Dirty white na turtle neck at black na parang leather jacket with pants ang susunod kong napili sa kanya. I looked at the two sets of clothes I chose for him. I felt proud. Lumabas ako sa walk in closet nya at nagtiklop ng kumot. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Lumabas siya mula sa banyo nang nakatapis at tinutuyo ang buhok gamit ang isa pang towel. Napatingin ako sa abs nya at grabe talaga. Kung magmamahal man ang presyo ng pandesal at ito ang pandesal nako siguradong tatanggapin ng bukal sa puso ng mga tao. I've seen a lot of topless guys in my life. Syempre kahit no boyfriend since birth ako nagbebeach rin naman ako. But he's the only guy na may ganito kagandang katawan. Bakit nga ba ayaw ni Seohyun dito? Di ko napansin na matagal pala akong napatitig sa abs nya kaya narinig ko yung mahinang tawa nya kaya napatingin ako sa kanya. I saw him smirking argh. Nakita kong papunta siya sa walk in closet nya kaya sinundan ko siya para masigurong makikita nya yung pinrepare ko para sa kanya. I saw him looking at the 2 sets of clothes I chose for him.
"You don't really need to wear those if you prefer anything else. I just thought of putting something together." Pero sa isip ko nagdadasal ako na sana magustuhan niya.
Nakita kong ngumiti siya at bigla akong niyakap. Nagulat ako.
"Baby you're spoiling me"
Bumilis yung tibok ng puso ko at naramdaman kong namula ako.
"Ehhhh mga bagay na nagagawa kapag walang magawa." Ayokong maisip nya na finiflirt ko siya pero ang totoo nyan ganun talaga yung ginagawa ko.
Matagal kaming nagkatitigan nang bigla siyang nagsalita.
"Sooooo?"
"Ha?" di ko siya naintindihan.
"Hindi naman sa nahihiya ako pero magpapalit ba ko sa harap mo?"
"Oh sorry lalabas na ko."
"You can stay if you want. I won't mind baby" He said while smirking.
"Behave yourself Nam Joo Hyuk." pagpipigil ko sa kanya.
"I always do. I don't know how much longer I can though."
"Tumigil ka nga" sabi ko.
Nang nakalabas ako sa walk in closet ay huminga ako ng malalim.
Umupo nalang ako sa kama at hinintay siyang lumabas. Ang napili niya ay yung una kong choice. Habang nagaayos siya ng buhok niya ay hindi ko napigilang magtanong sa kanya.
"Anong gagawin mo sa office ngayon?" Hindi ko mapigilang malungkot na magisa na naman ako. Hihintayin ko na namang bumalik siya.
"Uhm may meeting ako with the clients kasama si Se Kyung then magrereview ako ng proposals nung mga engineers para dun sa bagong branch na ipapatayo. Bakit?"
Di ko mapigilang macurious. Sino si Se Kyung?
"Uhm sino si Se Kyung?" Hinihiling ko na sana yung pagtanong ko sa kanya hindi halatang nagseselos ako argh ang hirap talagang maglovelife.
BINABASA MO ANG
Substitute Bride
RomanceThis story revolves around a girl named Lee SungKyung who accidentally married the hottest business tycoon to save her family from debts as well as her sister Seohyun. Would you sacrifice your own happiness for the sake of others happiness? Paano ku...