Chapter 11

282 14 5
                                    




Chapter 11 - New memories

Nakatayo ako sa dulo ng kama habang siya naman ay nasa likod ko.

"We can put a pillow in the middle. Parang border ganun.  You stay on your side and I'll stay on mine." ngiti kong suhestyon sa kanya. Sana pumayag hindi ko talaga alam kung kaya ko siyang makatabi sa isang kama sa pagtulog. Narinig kong tumawa ng bahagya si Joohyuk.

"Kyungie, hindi na tayo bata. We're adults, married adults. Kung may mangyari man sa atin mamaya, late na yon." sabi niya na para bang batang di binigyan ng candy. Narinig kong bumulong siya. "Dapat nga kagabi pa natin ginawa yun eh." Akala niya ay hindi ko narinig kaya malakas ko siyang pinalo sa braso kaya napa ouch naman siya.

"Akala ko ba nagpromise ka na we'll take it slow ha?" singhal ko sa kanya.

"Ano bang ginagawa ko? I am already taking it slow kung alam lang Sungkyung." Hinilamos niya yung palad niya sa mukha niya. "Look baby, I'm not gonna force you kung iyon ang ikinatatakot mo okay? Gusto ko lang maging normal tayong magasawa na matutulog sa iisang kama na wala yang border border na yan. May border na nga ang North at south korea tapos dadagdag pa yang border m-ouch" Nainis ako ang dami pang sinasabi hinampas ko ulit siya.

"Alam mo puro ka biro magseryoso ka naman"

"Osige na sorry pero sige na please" sabi na na kulang na lang eh lumuhod sa pagmamakaawa.

"Per-"

"Please kyungieeeee" He's giving me that puppy dog look. Aish hindi naman gawa sa bakal yung puso ko kaya di ko rin siya matiis.

"Fine pero behave yourself Joohyuk."

Bigla namang nagliwanag yung mukha ni Joohyuk pero may binulong siya sa sarili niya na hindi ko narinig.

"What did you say?" pataray kong tanong.

"Wala sabi ko let's go to bed now my sweet baby." Sabi niya habang yakap yakap yung unan ng mahigpit na para bang nanggigigil.

"Bakit ka ba baby ng baby ha?"

Tumitig naman sa mata niya si joohyuk. "Because from now on you will be my baby." Naramdamang kong uminit yung pisngi ko sa sinabi niya. Parang may nagrarambulan sa tyan ko na hindi ko maipaliwanag. Siguro gutom na naman ako aish.

"Why?" naguguluhan pa rin talaga ako.

Tinap nya yung side nung kama na para bang pumunta na ako at humiga doon. "Come here"

I hesitated at first but when I saw the looks on his face, I know this is where I belong. Humiga na ako at inunan ang braso niya. I felt comfortable. I felt at home.

"Sigurado ka bang okay sayo? Mamamanhid yung braso mo."

Imbis na sagutin yung tanong ko ay hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako.
"It's been a long day, time for you to rest. Goodnight baby" bigla naman akong nakaramdam ng antok.

Nagising ako at naramdaman kong may nakayakap sa bewang ko. Muntik na akong mapatili buti nalang naalala ko asawa ko pala to. Pagmulat ko ng mata nakita kong himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog.

I traced the dark circles under his eyes. Umiyak na naman ba siya dahil kay Seohyun? Pinagsisihan ba niya na ako yung pinakasalan niya at hindi yung kapatid ko? Na dapat si Seohyun ang nakahiga sa bisig niya at hindi ako?

"I hope you're not writing on my face." Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita akala ko ay tulog na tulog siya.

"Hindi ah!" Natawa naman ako at tinakpan yung bibig ko.

Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon