Chapter 5 – The Reception
Ang tingin sa amin ng tao ay parang simpleng bagong kasal. Yun bang masaya sa isa't isa kasi finally... kinasal na din. Para bang ang bilis ng pangyayari. Nagulat ako hindi na ko Lee, Nam na ako.
Inalalayan kami para makalabas kami ng simbahan. Habang naglalakad kami ay sinabuyan kami ng mga red petals. Para bang napakamagical ng moment na to sa mata paningin nila. Alam kong parehas lang kaming dalawa ni Joohyuk na gusto nang matapos to.
Pumunta muna kami dun sa condo ni Joohyuk na malapit dito.
"Iwan niyo muna kami" Sabi ni Joohyuk at dali daling nawalan ng tao at kaming dalawa nalang ang natira. Pumunta siya dun sa mini bar niya at kumuha ng whiskey. Tinungga niya yun without shot glass or what.
Huminga ako ng malalam kaso hindi ko alam na sa paghinga kong yun ay kasama na ang mga luha na kanina ko pa siguro tinatago. Hindi na talaga napigilan ng mata ko at naiyak na ako. Parang waterfalls yung mata ko. Tuloy tuloy talaga yung luha ko. Humihikbi na ako at wala akong pakielam kung marinig man niya ito or hindi.
Biglang may kumatok kaya napatigil yung pagiyak ko. Pumasok yung Mommy ni Joohyuk. "Ready na yung reception. Sabi ni Linda imi-meet niyo pa daw lahat ng guests in about ten minutes."
Narinig ko yung hingang malalim ni Joohyuk "Mom, pakisabi naman kay Linda and dun sa isa nyang kasama whoever she is to come here. Looks like the bride needs a retouch."
Inirapan ko nalang siya. Walangya ngayon may asawa ako na hindi man lang masabi ang pangalan ko.
Nakita ko yung mga mata ng mommy ni Joohyuk na para bang naawa siya sa anak niya siguro nararamdaman niya na malungkot din si Joohyuk kasi hindi si Seohyun ang napakasalan niya. Tumingin sakin at para bang nagsosorry siya sa lahat ng nangyayari.
Pumasok na si Linda at kita ko yung gulat sa mukha niya at biglang sumimangot. "What the hell happened to you?!" Lagi nalang bang nakapasigaw ito.
Tiningnan ni Linda ng masama si Joohyuk at kinuha yung phone niya. May tinawagan.
"Il-joo! I really think you need to come over here and put a leash on your bestfriend! He made Sungkyung cry on her own wedding day??! What a douche."
Flashback
Tumawa naman ang gago "Very good. If you'll behave throughout the day I might even sleep on the same bed with you tonight." Sabi niya nang may nakakalokong ngiti.
"Over my dead body" Sabi ko sabay irap. Nakakainis talaga tong lalaking to.
May dumating na dalawang babae nakita ko sila dun sa salamin na tinitingnan ko ngayon. "We're about to start with the bride. What are you doing here Mr. Groom! Shoo-shoo-shoo. It's not advisable for the groom to visit his bride before the wedding. It's bad luck."
Nakita ko namang umirap si Joohyuk. Kalalaking tao galing mangirap. Mas babae pa ata to sakin eh.
"Don't you dare escape Sung Kyung. I'm warning you." Banta sakin ng gago.
Napaiyak nalang ako at dali daling pinunasan yung luhang lumandas sa mga mata ko.
"It's your wedding day Mister! LQ? You're not helping shoo! Shoo!"
Umalis na si Joohyuk
"What happened to Seohyun?" Tanong sakin ni Linda. Nakita ko yung concern sa mata niya. Englishera talaga to.
BINABASA MO ANG
Substitute Bride
RomanceThis story revolves around a girl named Lee SungKyung who accidentally married the hottest business tycoon to save her family from debts as well as her sister Seohyun. Would you sacrifice your own happiness for the sake of others happiness? Paano ku...