Chapter 13 - First time
Warning Adults Content. SPG
Gabi na nang dumating si Joohyuk. Tahimik lang kaming dalawa sa hapag kainan. Hindi kami naguusap at nagiimikan. Katabi ko sa gilid si mommy at sa isang gilid naman si Joohyuk. Bukod tanging si JiSoo lang ang nagiingay. Kahit hindi ako nakatingin kina mommy alam kong pinaguusapan nila kaming dalawa ni Joohyuk.
"Mommy, I'm tired. May presentation ako kanina and baka yun din ang dahilan kung bakit hindi nagiimikan si Joohyuk at Sungkyung. Dahil pagod sila." bulong ni JiSoo.
"No anak. They're avoiding each other. Baka nagaway sila?" pagaalala ni mommy. Hindi ko makain ng maayos yung pagkain ko habang naririnig ko sila. Kung alam lang nila kung bakit kami ilang ni Joohyuk sa isa't isa.
"So what if they're fighting mom? Malalaki na sila kaya na nila sarili nila." sabi ni JiSoo habang patuloy sa pagkain.
"JiSoo alam mo naman ako ayokong may nagaaway sa bahay. It attracts bad luck!!" medyo napapalakas na sabi ni Mommy. Akala ba nila di ko sila naririnig?
"Seriously mom? Okay okay fine I'll try."
Napansin kong napatigil si joohyuk sa pagkain. Siguro naririnig niya din sila mommy. Kinuha nya yung lasagna. "Natikman mo na ba to Kyung? Mom cooks the best lasagna in the whole world. Give me your plate."
Tiningnan ko siya at nginitian nya ako. I gave him my plate and he scooped a big portion of lasagna. Iniisip ko kung mauubos ko ba to. Ang dami. Ilang buwan na kaming magasawa nitong lalaking to di pa din alam na di ko kayang ubusin yung ganitong kadaming pagkain. Kinuha ko nalang yung isang baso ng tubig at uminom.
"Oooooh. There seem to be too much sexual tension going on here. Why don't you to do what you want to do and get over it. Halata na eh."
Nabilaukan ako sa sinabi ni JiSoo. Naibuga ko yung tubig at napaubo ako. Hinagod ni Joohyuk yung likod ko at inabot ang table napkin. "Ano ba yang pinagsasabi mo JiSoo. Shut up."
Nagpeace sign naman si JiSoo. "Ooops sorry. Wrong choice of word. Ang ibig ko lang sabihin LQ ba kayo? I think you need to get it out of your system. So what im suggesting is you know talk to each other if not scream at each other. Just get it out of your system. Get over it. I bet you afterwards you'll feel much better. "
Parang wala lang sa kanya yung sinabi niya. Lalo akong namula. Alam kong iba yung ibig niyang sabihin dun. Tiningnan ng masama ni Joohyuk si JiSoo.
"Sorry Sung kyung. I was just joking."
"No it's okay. Hindi kami nagaaway. Nagaalala lang ako kay Seohyun. Wala kasi akong balita sa kanya hanggang ngayon." pagsisinungaling ko.
"Ah ganun ba." Tumingin naman bigla si JiSoo kay Joohyuk. "So yun pala yung problema mo. How about you Kuya? Bakit ka matamlay?"
"Will you just shut up. Pagod lang ako. Bakit wala na ba kong karapatang manahimik at mapagod?" halatang inis na si Joohyuk.
"Pwede bang tumigil kayong dalawa. Let's finish dinner in peace and all of us can rest. Okay? Nasa hapag kayo ng pagkain nagaaway kayo. Igalang niyo naman yung pagkain." Inis na sabi ni mommy sa dalawang anak niya.
Humarap naman si Joohyuk sa akin. "Okay ka na ba?"
Tumango nalang ako bilang sagot at nagsimulang kumain nung lasagna.
BINABASA MO ANG
Substitute Bride
RomanceThis story revolves around a girl named Lee SungKyung who accidentally married the hottest business tycoon to save her family from debts as well as her sister Seohyun. Would you sacrifice your own happiness for the sake of others happiness? Paano ku...