Chapter 3

282 10 1
                                    

Chapter 3 – The Plan

6:00 AM na nang nagdesisyon akong pumunta sa mga Nam.  Kinakabahan ako pero kaya ko to.

Nagdoorbell ako at may lumabas na guard.

"Hi po kuya. Lee Sung Kyung. Sister po ako ni  Seohyun yung mapapangasawa ni Joohyuk. Pwede ko po ba siyang makausap?" Tanong ko sa guard na halatang kakagising lang.

"Ay ma'am ala pa po si ser ih, dun nalang kayo sa library maghintay sa kanya. Sasabihin ko nalang po na nandoon kayu"

"Salamat po kuya" Sinabi ko yun sabay pasok at shit nasaan ang library dito. Nakapunta na kami dito pero hindi naman kami nagfield trip kaya malay ko kung nasaan ang library dito. Bumalik ako dun sa guard.

"Ahm kuya nasaan po ang library? Hindi ko po kasi alam eh." Tanong ko sa kanya.

"Ay ma'am sa sicund plor pu. Yung dulong pintuan sa kanan. Yung may pinakamalaking pintuan. Yun pu yung library ni Ser Nam Joo" Sabi sakin ni Manong guard at umalis na ko.

Umakyat ako at pumunta dun sa sinasabing Library ni Manong guard. Naghintay lang ako sa kanya dun. Nabored na ko kaya naglaro nalang ako ng Stardom sa phone ko.

After 45 mins ay dumating si Joohyuk sa Library at parang ang dilim ng tingin niya sakin. Sobrang lakas nga ng tulak niya ayun nagulat ako napindot ko tuloy yung isang act na hindi naman dapat. Nasayang yung energy ko sa walang kwentang bagay. Alam ko namang alam niya na galit ako sa kanya at imposibleng pumunta lang ako dito para makipagkwentuhan kaya siguro alam niyang may problema dahil hindi ako pupunta dito lalong lalo na nang ganitong oras kung walang problema. Nakabukas ang unang dalawang butones ng polo niya kaya nakikita yung chest niya at magulo ang buhok niya medyo amoy alak din siya. Ayos din to ha ikakasal siya mamaya nakuha pang maghappy happy.

"Anong ginagawa mo dito? Where is she???" Tanong niya sakin habang ako naman ay nakatayo malapit sa isang bookshelf.

Naalala ko kung paano ko pinatakas si Madison kanina.

Flashback

"Seo Seo gising!!! Bilis may naisip ako! Bilisan mo habang may oras pa tayo!" yinugyog ko si Seohyun mula sa mahimbing niyang pagkakatulog.

Tiningnan lang ako ni Seohyun nang naguguluhan.

"You see kaya pa to may oras pa tayo. You don't have to do this. You don't have to marry him!" Sabi ko at siya naman ay halatang gulong gulo pa din sa mga pinagsasabi ko.

"Huh? Hindi kita maintindihan Kyung? Magagalit si Mama at Papa kapag hindi ako nagpakasal dun! Paano yung kumpanya? Mapapahiya si Mama at Papa pag hindi ako sumipot!!!" Sabi niya habang umiiling.

"Hindi na maiiwasan yun Seo! Ang mga Nam na ang may ari sa kumpanya natin. Siguro bago matapos ang araw na to ay marerealize din nila na hindi makatarungan ang pagsasakripisyo mo sa sarili mo para sa kumpanya!" Sagot ko naman sa kanya habang kinukuha ko ang maleta.

"But..."

"No more buts. Ito ang tama mong gawin. Nagbook na ko ng cab at maya maya lang ay nandito na yun. Magpalit ka na ng damit. Konti lang ang dalhin mo at ako ng bahala dun sa iba mo pang kailangan" Sabi ko habang minamadali siya.

Nang nakababa na sila at nasa gate na sila. Nandyan na yung cab. Inabot ko sa kanya yung mga tira kong pera diyan. Alam kong kailangan niya to higit sakin.

"Take this. Yan lang yung pera ko dito sa bahay dito eh" Sabi ko sa kanya sabay abot ng pera.

"May pera pa naman ako eh" Angal niya naman

Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon