Chapter 4

304 10 0
                                    

Chapter 4 – The wedding

Nakatayo si Papa at Mama sa tabi ko sa may entrance ng simbahan. Suot ko yung altered gown gawa nang isa sa mga pinaka sikat na designer sa buong mundo. Vera Wang ang gown kaya si mama todo himas sakin. Pero si papa hindi pa rin tanggap kung anong nangyari.

Flashback

"Isn't this weird? Not only the name of the bride was changed but also her size? Sabi nung stylist na may pagka sarcastic. Itusok ko kaya sayo tong aspileng nilalagay mo sakin. "Maybe next time I have to include in the contract that there shouldn't be any last minute changes especially of the bride. I mean this is the first time I encountered a situation like this. My goodness. " Arte nito para naman gusto kong maging bride nung lalaking yun.

"Is there a problem Miss Linda?" Tanong naman ng mommy ni Joohyuk

"Calling this a problem is an understatement Mrs. Nam. It's not a problem, WE HAVE PROBLEMS. A LOT!" Sabi nitong stylist na halatang iritable na. Hindi ko naman siya masisisi isipin niyo iba yung size ko kay Seohyun, Yung sa invitation pangalan ni Seo ang nakalagay. Sa pre-nup si Seo-hyun ang nandoon. 

"I don't know where to start! Look at this wedding gown! It's too big for her she looks like a hippo! It will ruin my reputation if the bride would go out there wearing a potato sack. It's also shorter! Geez this is a mess!" Bigwasan ko kaya to nakakainis ha! Tawagin ba naman akong hippo? Alam ko na may pagkahyperbole or exagge yun pero nainis pa din ako kaya nakasimangot na talaga ako.

Si Linda ay isa sa mga famous fashion stylist sa Mexico. I mean yeah napakabongga ng kasal na to na hindi naman talaga para sakin. Mostly ang mga clients niya ay politicians and celebrities pero pakinig ko kaya niya lang to tinanggap dahil bestfriend ni Joohyuk yung boyfriend nito si Il-joo.

"Uhm maybe we could just put a belt or something? Or add more fabric if it's too long? " Tanong ng mommy ni Joohyuk na halatang natataranta na din.

Lumaki yung mata ni Linda "You expect me to ruin a Vera Wang??! How could you!" Sinigawan niya yung Mommy ni Joohyuk.

"Yah! You don't need to shout at her! It was just a suggestion! " Sabi ko kay Linda. Yes galit man ako kay Joohyuk pero mabait ang mommy niya and di ko kayang sini sigaw sigawan lang siya dahil lang sa nagsuggest siya.

Kumalma siya and tinitigan yung gown ko mula sa malayo. Then kinuha niya yung phone niya and may mga tinawagan. Minutes later may dumating na sampung tao.

"Who are they?" Tanong ko sa kanya.

"Seamstress. I can't do this on my own. This is a suicide!" Okay okay dapat pala hindi na ko nagtanong.

Tinawag niya din yung PA niya and pinabili siya ng 4" heeled na Manolo Blahnik wedding shoes to match this wedding gown. Sa totoo lang magkasize naman kasi kami ng paa ni Mad eh kaso maikli nga yung gown sakin kaya mas maganda daw yung ganun para bumagay dun sa gown.

Natapos din at napahaba nila yung gown without touching the exterior design nung gown. Inalter nila yun ng taimtim para walang magalaw na kahit ano and nilagyan nalang ng extension sa waist. Umayos yung itsura nung gown kaya sobrang saya ni Linda. Dinaig niya pa ko mas masaya pa siya samantalang ako nakamurangot dito.

End of flashback

Tumugtog na yung tunog na tanda na magmamartsa na ka kami papunta sa altar.

Hinawakan ni papa yung kamay ko

"I'm so sorry Sung Kyung. Kasalanan kong lahat ito. Sigurado ka bang gusto mong gawin to?" Tanong sakin ni papa na halatang guilty siya sa lahat ng nangyayari.

Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon