Chapter 2

315 8 0
                                    


Chapter 2 – Sisters

One week later

Biglang may nagdoorbell habang nanonood ako. Dali dali akong pumunta sa pintuan nagulat ako nang nakita ko ang mommy at daddy ni Joohyuk.

" Oh, good evening Mr and Mrs Nam. Come in! Tatawagin ko lang po si Seohyun. Ano pong gusto niyo maiinom? " Pambungad ko sa kanila habang papunta sa living room.

"No no iha, we're fine" Sabi ng mommy ni Joohyuk habang nakangiti sa akin.

Umakyat ako at tinawag ko sila mama at papa. Nahirapan akong tawagin si Seohyun.

"YAH! tumayo ka nga diyan! Andyan yung mga parents-in-law mo. Magbigay pugay ka naman" Natatawa kong sabi sa kanya

"Masakit ulo ko Sung" Sabi ni Seohyun sakin habang natutulog

"Hay bahala ka nga diyan!" Iniwan ko siya at nagmartsa sa baba. Tumayo ako dun sa malapit sa may pintuan sa may living room. Nilatag ni papa ang isang puting mantel para doon ilapag yung mga dala nilang regalo.

"I'm sorry Mr. and Mrs. Nam. Seohyun can't entertain you. She's not feeling well" Sabi ko sa kanila.

"Oh, tell her to take a rest. Tomorrow's going to be her big day!" Sabi ng mommy ni Joohyuk na halatang concern sa nakababatang kapatid ko.

Napailing nalang ako habang tinitingnan si mama na excited na excited tanggapin yung mga regalong dala ng mga Nam. I feel sorry for Seohyun.  I mean itong magagarbong gamit na to kapalit yung kaligayahan niya? Sobrang unfair nun para sa kanya.

"Joohyuk couldn't come here tonight. Madami siyang inaayos sa kumpanya para walang maging problema bukas and for the honeymoon na nakaleave siya. He wants everything to be perfect" Sabi ng daddy ni Joohyuk na halatang masaya para sa nalalapit na kasal ng anak nito sa kapatid ko.

"Okay lang yun ano ba" Sabi naman ni mama habang tinitingnan yung mga lingerie na VS.

"Oh sige mauna na kami ha kailangan ko na din kasing magbeauty rest." Sabi ng mommy ni Joohyuk na nakangiti samin habang papunta sa pintuan.

"Bye SungKyung" Habol niya sabay beso sa akin. Sinuklian ko naman siya ng ngiti

"Bye din po. Goodnight" Sabi ko medyo nahihiya pa din kasi ako hello dapat yung kapatid ko yung nagpapaalam sa kanya dito hindi ako. Hindi naman kasi ako yung ikakasal sa lalaking yun. 

Kinuha ko yung tray sa table at inakyat sa kwarto ni Seohyun. 

"Seo, open the door! Wala na dito yung mga In laws mo. Kailangan mong kumain kundi magkakasakit ka!" Sabi ko habang kinakatok yung kwarto.

"Hindi pa ako nagugutom. Don't worry too much about me. I'm fine" sabi ni Seohyun habang humihikbi. Alam ko namang umiiyak siya at yun ang pinaka ayaw kong marinig. Hindi ko kayang umiiyak ang kapatid ko para sa pagsagip sa naluluging kumpanya namin.

Binuksan ko yung pintuan at umupo ako dun sa end nung bed niya.

"Paano ako hindi magaalala eh kasal mo bukas at ayaw mong kumain paano kung magkasakit ka. Baka bukas imbis sa magarbo at eleganteng kasal mo sa simbahan eh sa ospital tayo pupulutin." Sabi ko sa kanya baka malay niyo tumawa.

Tinitigan niya lang ako. Leche walang epekto.

"Dapat ba excited ako? Well hindi ko feel magparty eh or magcelebrate. Dapat ba maguilty ako na hindi ako excited? They can't force me to marry that guy! Tama lang to sa kanila dahil pinilit nila kong ipakasal sa gagong yun."

"Seo, napakaironic no? Kung kelan nakita mo na yung prince charming mo tsaka ka pa inarrange marriage kay Joohyuk. I mean bakit kung kelan nagseryoso ka na? Ganda ng timing ha." Sabi ko at humingang malalim.

Tumitig lang sa kawalan si Seohyun at tiningnan niya yung phone niya and biglang lumungkot yung mukha niya.

"Are you expecting someone's call? Tatawagan ka ba nung sinasabi mong prince charming mo?" Sabi ko na may halong pangaasar.

"Nope. Pero nageexpect ako na baka tumawag siya. I can't blame him though. Pero miss na miss ko na siya eh. Dapat ikaw nalang yung pinakasal hindi nalang ako. Ikaw hindi ka taken eh ako taken na taken na ko biglang ganito! Argh!" Naawa ako sa kapatid ko kung pwede lang eh pero siya ang special request ni Blake. As if naman ako eh MU kami nun pareho kaming galit sa isa't isa.

"Ano ka ba. Kasalanan mo yan masyado kang maganda. Sobrang tagal nang may pagnanasa sayo ni Joohyuk, ewan ko kung hidden pa yun eh halos ipagsigawan niya na kung gaano siya kabaliw sayo eh. As if naman ako eh parehas kaming galit sa isa't isa." Sabi ko habang tumatawa

Umiyak na naman siya as in hagulgol na parang kinakatay na baboy

"Shh alam kong ikakasal ka sa taong di mo mahal bukas pero Seo, kailangan maganda at presentable ka naman bukas. So tumahan ka na please" Pagmamakaawa ko sa kapatid ko.

"Siguro kung habang naglalakad ako sa aisle habang umiiyak at mukhang nalugi or whatever ay marerealize niya na ayaw kong magpakasal sa kanya at napakamiserable ko at sinisira niya yung buhay ko! Bakit pa kasi nagexist siya!" Sigaw niya habang umiiyak

"Sorry Seo" Kung pwede ko lang talaga siyang tulungan eh. But I don't really know how.

Tumayo na ko para pumunta sa kwarto ko pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Stay with me tonight please Kyung! Please just for tonight!"

Humiga ako sa tabi niya

"Everything's gonna be alright Seo. I'm sorry. Goodnight"

At nakatulog na kami habang magkayakap. Naalala ko nung mga bata kami tabi kami matulog tapos bago matulog naglalaro muna kami. Nagising ako around 5 minutes after midnight. Nabobother pa rin talaga ako sa pagpapakasal ng kapatid ko sa lalaking yung. Napasinghap ako nang may naisip ako.

"Mad mad gising!!! Bilis may naisip ako! Bilisan mo habang may oras pa tayo!"

Niyugyog ko si Seohyun.

Sorry mama at papa pero mas importante yung kaligayahan ni Seohyun... 

*******

Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon