❤ 25 ❤

671 16 2
                                    

CHAPTER 25 : IRENE POV : Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng yakapin ako ng lalaking to .. Nasaktan ako ng makita ko siyang umiyak .. Totoo kaya yung sinabi niya ?.

Napatingin ako sa orasan ko 4:37 pm na pala, kailangan ko nang umuwi ..Naalala ko pala na nag pahatid ako sa driver namin..

"Uh, ummm.. Uuwi na ako .. sabi ko sa kanya at tumayo na ..

"Hatid na kita .. sabi nito na namumugto ang mata, parehas ata kami ..

Tumango ako sa kanya ,.inihatid niya na ako sa bahay , sinabi ko sa kanya ang address namin..

Bumaba na ako ng nasa tapat na kami ng bahay .. sakto namang umulan ng malakas ..

Hinubad niya ang jacket niya at isinilong sa akin ..

"Pumasok na tayo sa loob .. sabi ko sa kanya ..

Inutusan ko naman ang guard na ipasok ang kotse ni Neil .. Binigyan niya kami ng payong , binigay naman ni Neil ang susi niya sa driver namin..

Ng makapasok kami sa loob .. Sinalubong agad kami ni Aling Daisy at baby kian ..

"Hi , baby .. Nalate si mommy ng uwi .. sabi ko sa kapatid ko at hinalikan sa pisngi ..

Natulala naman ang kasama ko kay baby kian..

"B-baby mo siya ? Tanong nito sakin

"Hindi ah, kapatid ko , ano ka ! Hindi pa nga ako nabubuntis may baby na agad? natatawang sabi ko

Natahimik naman ito at tinitigan si baby kian..

Nagulat ako ng gustong pumunta ni baby kian sa kanya .. Binigay naman ni aling daisy ito sa kanya..

Binuhat niya ito at nginitian .. "Hi , I'm daddy Neil .. sabi nito kay baby kian , daddy daw.. Nakangiti naman si baby kian at nilapit ang lips sa pisngi ni Neil ..parang hinalikan niya ito ..Nagulat ako dun ,. Ang bilis naman nilang maging close .. Napa *pout*ako ..

"Bakit gusto niya sayo ? Tanong ko kay Neil .. "Samantalang hindi naman yan lumalapit sa iba , sakin kay aling daisy at sa parents ko lang naman yan , ngumingiti .. Sa iba umiiyak yan.. sabi ko kay Neil ..

Nginitian niya lang ako .. "Mag bihis ka na dun , naambunan ka kanina .. utos nito sakin ..

"Parehas lang naman tayo .. Sagot ko ..

"Ayaw kong mag kasakit ka , magbihis kana .. Utos nito na dapat sundin mo ,dahil kapag hindi malalagot ka ..

Umakyat na ako sa itaas.. Kung maka-utos naman yun, parang Asawa ko ah .. Tsk ! Tsk !!


NEIL POV : umakyat na si Irene sa itaas na naka simangot..

Hawak-hawak ko parin si baby kian ,. Yun yung narinig kong pangalan niyang binanggit ni Irene kanina eh ..

" para kayong mag-ama .. Walang anong sabi ng matandang babae na nasa 40's ata ang edad ..

Nginitian ko lang ito .. sana nga ,. ang gaan ng loob ko sa batang ito , nung nakita ko ito kanina , may naramdaman na akong kakaiba ..

Tinitigan ko ito .. Ngumingiti naman ito sakin at niyayakap ako .. Sana nga anak namin to ni Irene ..pero patay na ang anak namin sabi ni Renz sakin ..

Maya-maya nakatulog nadin ito sa mga braso ko .. Napangiti ako at hinalikan ito sa pisngi ..

Narinig ko namang pababa na si Irene ..

"What the?! pinatulog mo na ? sigaw nito sakin ..

"Psst .. Magigising siya sa ingay mo .. Sabi ko

" bakit mo naman agad pinatulog , hindi pa ako nakakalambing sa kanya .. Pabulong na sabi nito

"Hindi ko siya pinatulog , tinulogan niya ako .. Sagot ko

Tumawa naman ito ng tumawa ..

"Hoy ! Nababaliw kana ba ? Tanong ko sa kanya ..

"Nakakatawa kasi yang mukha mo, tinulogan ka ni baby kian .. Ngayon parehas na tayo .. sabi nito at hinalikan si baby kian sa pisngi kung saan ko din ito hinalikan kanina ..




My Bestfriend Is My Bestmistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon