CHAPTER 37 : SOMEONE'S POV : TAKTENG LANGYA , NAMAN TO OH .. Kung kelan pa aalis na ako .. Saka naman nila ako nahuli ..
"Ano bang kilangan niyo ? Kalmado kong tanong ..
Tumawa naman ang tatlo .. Ampapangit naman ng mga gang na ito ..
Tumawa rin ako .. So ang nangyayari nagtatawanan kaming apat ng walang dahilan , pero para sakin natatawa ako sa mga mukha nila ..
Tumigil sila at hinawakan ang magkabilang braso ko .. "Sumama ka samin .. sabi ng isa..
Nagpatianod ako .. "San niyo naman ako dadalhin ? Pa-inosenteng tanong ko ..
Ng maramdaman nilang sumasama ako sa kanila, lumuwag ang hawak nila sa kamay ko .. Nauunang lumakad ang isang lalaki .. Nag ka roon ako ng paraan , para makatakas .. Kinuha ko ang maliit na kutsilyo malapit sa laylayan ng jacket ko .. At walang ano-anong tinusok ko ito sa dibdib ng nasakanan na lalaking may hawak sakin .. Sinipa ko naman ang nasa kaliwa . at sinunud na sinaksak .. Nahawakan naman agad ako ng nasaunahang lalaki .. Napasigaw ako sa pag suntok niya sa tyan ko .. Kinuha niya ang kutsilyo na hawak ko kanina at akmang sasaksakin niya na ako ng may sumipa sa kanya .
Nanlaki ang Mata ko ng makita si Irene .. Sinuntok niya ito sa mukha at sinaksak sa dibdib ang lalaki ..
Tinulungan niya agad akong tumayo ng makita na may paparating pa na iba ..
"Tara na ,. sabi nito sakin
Tumango naman ako at sabay naming nilisan ang lugar ..
Habol namin ang hiniga ng makarating kami sa tapat ng mansion..
"Ok ka lang ba ? Tanong nito sakin ..
Nilingon ko siya , at marahang tumango ..
Nakita ko naman agad sila Terenz at Neil na tumatakbo palapit samin ..
"Ate, san ka ba galing ? Tanong agad sakin ng kapatid ko ng nakakunot pa ang noo..
Seryoso namang nakatingin lang si Terenz sakin..
"A-ahh, nag libot-libot lang .. sagot ko
Tuningnan ko si Irene at nagets naman nito ang gusto kong sabihin .. Nauna na siyang pumasok sa loob ..
Nakatingin parin sakin ang dalawa .. Sobrang seryoso nila na kung hindi pa ako aamin ng totoong nangyari, papatayin nila ako ..
Napamura naman ako ng makita ang kamay kong puno ng dugo at ang damit ko .. Tumalsik pala sakin .. Sobrang halata na dugo ito dahil naka white T-shirt pa ako ,. Pati ang mga hita ko may mga dugo rin at putik .. Naka-short lang kasi ako .. Samantalang si Irene naka Red T-shirt at nakapantalon ng black , kaya hindi halata sa kanya..
Nilapitan ako ng dalawa ..
Tinaas ko agad ang dalawang kamay ko .. "Oo na aamin na ako , pumasok muna tayo sa loob ..
Sumunod naman silang dalawa sakin ..
Nadatnan namin si Irene na naka-pikit , habang may headset .. at naka cross ang kamay pati paa na naka patong sa maliit na lamesa ..
Tinanggal ni Neil ang headset sa kaliwang tenga niya . at tumabi dito ..
Umupo naman kami ni terenz sa harap nila ..
"Ganito ,. Umpisa ko na naka agaw sa atensiyon nila ,. Nung bumalik ako dito sa pilipinas ,. Inumpisahan ko na ang pagmamatyag sa BLUE EAGLE GANG .. a-ako rin yung nagpadala ng sulat sa inyo, totoo ang nakasulat dun.. Kanina nahuli nila ako ng paalis na ako sa teritoryo nila .. Pero nakatakas rin ako at na-napatay ko ang dalawa sa kanila.. Nakadukong sabi ko ..
"Pumatay ka ?! Sabay na sabi nila Neil at Terenz ..
"Kayo rin naman ah .. sagot ko
Pero dapat ----------- sagot ni terenz na pinutol ni Neil ..
Pinatakas mo ba yung isa ? O naka takas ito ? Tanong ni Neil
Napatingin ako kay Irene na sinundan naman ng tingin ng dalawa ..
Nag iwas ito ng tingin ..
Ang nangyari kasi nahawakan ako ng isa at sinuntok ang sikmura ko , hindi ko magawang tumayo kaya nagkaroon ito ng chance na kunin ang kutsilyo sakin at malapit na akong masaksak , buti nalang dumating si Irene at ...
"Sinaksak niya yung lalaki ? Tanong ni Neil na nakaharap kay Irene ..
Tumango ako ..
Tumayo si Neil at hinila si Irene sa kamay at saka lumabas ng bahay ..
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is My Bestmistake (COMPLETED)
AcciónLET THE STORY BEGIN.. IN ONE! TWO! THREE ! (-^〇^-)*CLICK* ------------------- This book is work of fiction names , characters,places and incidents either are products of the author's Imagination or are used fictitiously.. Any resemblance to actu...