v

376 16 6
                                    


A/N: Happy Valentine's Day, guys!

_Kyrian18


****

Chapter 5

May mga bagay na mahirap maintindihan, lalo na kung mapurol na ang pag-unawa ng isang tao. Mahirap man aminin pero baka ganoon na nga ang mga tao ngauon – madaling maniwala sa mga sabi-sabi, at nawawalan na ng kakayahang magtanong at maghanap ng isang simpleng katotohanan.

Hindi na kami nag-usap ni Marione simula noong binaba ko siya sa may kisame. Ni hindi na rin siya nagsalita pagkatapos no'n. Ang hindi ko lang din maintidihan ay ang sarili kong nautal na lang din bigla at hindi na rin ako umimik pa sa kaniya.

Tatlong araw na ang nakalipas nang magyari ang insidente na 'yon. Tatlong araw ko na rin siyang hindi nakikita sa eskwelahan. Balita-balita sa buong campus na baka hindi na raw iyon papasok. Madami ang nagsaya...subalit bakit hindi ko nakikita ang sarili ko sa panig na 'yon?

"Tahimik ka, p're!" Tinapak ni Yohan ang kanan kong balikat. Sa totoo lang, hindi pa rin ako sanay sa makulay nitong buhok.

Nasa canteen kami pareho. Isang oras pa ang break ko, bago ang susunod na klase. Nakakabagot ang pag-aaral kung hindi ko naman talaga gusto ang kursong kinukuha. Patay-malisya akong nagpapanggap na hindi ko siya nakikita o naririnig. Hindi ako umimik.

"Nakita mo ba si James?" tanong niya, habang hindi nakatuon lang ako sa French fries na hindi ko pa natitikman at sa burger na isa pa lang ang nakagat. "Kung hindi ka magsasalita, hindi ko na ipapahiram sa 'yo ulit ang baby ko. Coding ka pa naman!"

Tiningnan ko siya ng masama. Para talagang bata ang isang 'to. Nakangiti siya sa 'kin. Halatang nasisiyahan siya sa mga nangyari. Para sa kaniya, natalo na ako nang kinibuan ko siya. Taena sa pagiging childish ng isang 'to. Ang sarap kalbuhin!

"Mukha ba akong lost and found, Yohan?" banat ko, "At isa pa, alam mo naman ang number ni James." Kumuha ako ng isang kapirasong French fries at sinawsaw sa ketsup, saka ko kinain. Ngumunguya pa ako habang nakatitig pa rin siya sa akin na para bang may gusting sabihin.

"E ang mangkukulam? Alam mo ba kung bakit tatlong araw nang hindi pumapasok?" paglilihis ng tanong.

Napatigil ako sa pagnguya nang kinakain ko. Hindi naming nababanggit ang mangkukulam. Ngayon lang. Ano naman ang nakain ng isang 'to?

"Wala akong pakialam sa babaeng 'yon," kalmado kong tugon.

Walang paalam na inagaw ni Yohan ang burger ko at mabilis iyong kinagatan na para bang siya talaga ang bumili. "Dude! Sa kadami-dami pang babae na gusto mong kausapin, bakit ang mangkukulam pa? Hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba nangingilabutan? Nakakatakot ang babaeng iyon. Alam mo –"

"Alam mo—" pagputol ko sa kaniyang kadaldalan, " – Sa sobrang kulay ng buhok mo, pati utak mo, nakukulayan na rin ng pagkahibang! Gago! Ano naman ang nasa isip mo at pati ang babaeng 'yon, ginawa mo ng topic!"

Imbes na mabwisit, rinig na rinig ko ang malulutong na mga tawa ni Yohan sa canteen. Sa sobrang lakas, halos lahat ng mga estudyante na kumakain sa loob ay napatingin na sa aming dalawa. Napailing-iling na lang ako. Wala nga pala itong pakialam sa sasabihin ng iba. Masyadong happy-go-lucky Yohan.

"Gago!" Sabay hampas sa kaniyang ulo! "Taena! Bakit ka ba tumatawa, ha?!"

Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Hawak-hawak pa niya ang kaniyang tiyan na mas lalong nagpainis sa 'kin ng husto. "Kasi para ka ng si Yosef kung magsalita ngayon."

Ang Mangkukulam ni RueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon