MAGKASABAY kaming pumasok sa unibersidad -- ako at si Marione. Pinakiusapan kong bantayan muna ang mama niya sa caretaker namin. Saka ko na aayusin ang schedule no'n sa doktor, pagkauwi namin ng bahay.
"Ayos lang talaga na hindi ka papasok," pangungumbinsi ko sa kaniya. Nasa loob pa kami ng kotse ko.
Wala siya sa passenger seat. Pinagkasya ko na lang siyang tingnan sa maliit na salamin na nasa harapan ko. Malayo ang tanaw niya sa may bintana.
Mabuti na lang at may dryer sa resthouse, mabilis na natuyo ang mga damit niya.
Wala pa siyang sinabi na kahit ano -- pasalamat, sorry, basta kahit ano. Kahit isa lang sana sa mga emosyon na pwede kong makita sa mukha niya. Pero, walang gano'n. Nananatili siyang blangko roon.
"May gana ka pa talagang pumasok pagkatapos nang nangyari sa 'yo? " Inuulit ko ang pagkadisgusto ko sa kaniyang nagpupumilit na sumama sa 'kin.
Hindi pa rin siya sumagot. Ibang klaseng babae. Mas inuna pa niya ang pumasok kaysa alagaan ang nanay niya.
Napabuntong-hininga na lang akong binuksan ang kotse, lumabas ako roon at lumapit sa gilid niya para pagbuksan siya ng pinto.
Tinitigan ko siyang lumbas ro'n. Napatanong ako sa blanko niyang ekspresiyon sa mukha. Wala ba talaga siyang puso?
Lumabas siya sa kotse, suot ang kaniyang itim na bestida. Wala itong pakialam na may iilan na nakakita sa kanilang dalawa sa parking lot. Malamang, headline na naman siya ng campus paper.
Tsk.
Naglakad kaming walang tinginan, walang kibuan, at walang pakialamanan. Napapasulyap pa rin ako sa likod niya. Sampung hakbang ang layo niya sa 'kin.
Hindi ako nadi-distract sa maalon niyang buhok na sumasabay sa hangin. O sa mga yapak niyang walang katunog-tunog.
Naghiwalay kami ng landas sa pangalawang building. Maaliwalas ang panahon. Maganda ang pagkaasul ng langit. Mukhang maganda ang araw na 'to.
Ilang oras ang nakalipas, pero wala namang kakaibang nangyari. Magulo pa rin ng klase kahit may major exam. Hindi ako nakapag-review. Literal iyon dahil hindi sumagi sa utak ko ang exam ngayon. Stock knowledge na naman ako aasa. At sana hindi singko ang makukuha kong grado.
Tinitigan ko muna ang hawak kong test paper. Makapagdasal talaga nang wala sa oras e kapag ganito ang eksena, lalo na 'pag maisip ko na may dalawa pang kasunod na exams pagkatapos nito. Puro pa Math, eh ng kinuha ko naman ay Marketing Management.
Kulang na lang iuntog ko sa pader ang ulo ko nang mapiga ko naman ang utak ko.
Nakakapanghina nang matapos ang dalawang exams.
"Pre, kayo na? " Unang bungad sa 'kin ni Yohan habang nakasiko pa.
Nasa canteen kaming pareho. Nginunguya ko pa ang tuna sandwich sa bibig ko habang nakatingin sa kaniya. Umupo siya sa bakanteng upuan sa may kaliwa ko banda.
Niluhok ko muna ang kinain kong pang-almusal, kasi nakalimutan kong bitbitin ang hinanda ni Marione sa 'king baon n sandwich din. At 12 nn eksakto ang second exam ko.
Weird. Kumain din ba 'yon ng almusal? Hindi ko rin pala 'yon napansin kanina. Bukod sa may naiwang binalot na sandwich sa mesa, na hindi ko pinulot, hindi ko naalalang kumain 'yon.
Kaya ba hindi niya ako pinapansin no'n?
"Taena ka, Rue! " singhal niya. Mabuti na lang at kaunti pa lang ang estudyanteng kumakain kapag alas dos ng hapon. "Bakit kayo magkasama no'ng mangkukulam? May something na ba kayo? Ano'ng feeling? "

BINABASA MO ANG
Ang Mangkukulam ni Rue
غموض / إثارةSa magkakaibigan, si Rue lamang ang wala pang nobya. Walang nakakaalam kung ano'ng tipo niyang babae. Wala rin namang nangahas na tanungin iyon dahil sa lahat ng magkakaibigan, siya ang pinakatahimik at medyo may pagkamisteryoso rin. Nagsimula ang...