"PASENSIYA na. "
Iyon lang ang dalawang salita na binitiwan ni Marione sa akin. Wala akong magawa kung 'di dalhin muna sa resthouse ko ang mag-ina. Hindi naman kasi 'to tinitirhan at ocasionally lang binibisita, kaya sure akong hindi sila basta-basta matutunton dito.
Bukod pa r'yan, iilan lang ang nakakalam na may ari-arian ako sa Batangas.
Minana ko pa 'to sa papa kong yumao na. Iyong tunay kong ama. Nakakatuwa na minanahan pa rin ako kahit isa lang naman akong anak sa labas nila Papa.
Biruin mo 'yon? Anak sa labas pero kinilala akong anak bago natigok? Dapat ba akong matuwa? O dapat ko bang kaawaan ang sarili ko?
Ilang oras din ang biyahe magmula sa Valenzuela. Nakakapagod. Nakaka-drain ng katawan at utak. Kinumutan niya ang mama niyang nakatulog na rin sa pagwawala.
Samantalang ako, nakatayo lang sa may pinto. Nagdadalawang-isip humakbang papasok.
First time kong pinagtimpla ang babae at first time rin na nagdala ako ng bisita . . . at patago pa talaga. Alam ko namang malihim akong tao, pero sobra-sobra na 'to.
Nakakaawang pagmasdan ang nanay niyang buhay pa pero parang pinapatay na. Malaki ang sugat sa mga braso at hita nito. Natutuklap ang mga balat. Namamatay ang tissues sa katawan at nagiging sanhi ng kulay itim nitong balat. At napapalibutan pa ng purple at pula na kulay. Bibihira lang akong makakita ng ganitong kondisyon sa balat.
"Natatakot ka ba o nandidiri sa mama ko? " Nakakita ako ng pagkadismaya sa kaniyang mukha.
"Wala pa akong sinasabi, nanghuhusga ka na riyan. Baka akala mo nandiri ako ha, e kinarga ko nga iyang mama mo, 'di ba. " depensa ko.
Gusto ko sana siyang tanungin patungkol sa nangyari kanina pero inabot ko lang ang isa pang tasa ng kape na hindi ko pa pala nabibigay sa kaniya.
Hindi ko sigurado kung maawa ba ako o ano sa isang 'to. Basta ang alam ko, kailangan niya ng masasandalan. Ang problema, hindi ako ang tipong shoulder-to-cry-on type na lalaki. May problema rin ako. Kaya nga ako uminom. Kaya nga ako naglayas.
Pero, saka na nga ako mag-rant sa sarili ko. Lalo na at mas need niya talaga ng tulong. Kalma lang dapat ako. Kahit ano pang mangyari, chill lang dapat.
Hindi nga 'to nag-hysterical pagkatapos nang nangyari. Paano pa ako magiging knight in shining armor nito? Anak ng tokwa. Kadiri sa imahinasyon.
Hinigop niya ang 3-in-1 na kape na dinukot ko pa sa kotse ko. Habang hinimas-himas ko pa ang init ng tasa na hawak-hawak ko, at napahigop na rin.
"Flesh-eating disease," biglang sabi ni Marione, ibinaba ang tasa sa maliit na mesa na malapit sa kama. "Kung nagtataka ka kung ano'ng mayro'n kay Mama, iyan ang kaya kong sabihin. Palagi siyang nangangati at nasasaktan sa impeksiyon sa balat. Nasisira ang tissue ng balat ni Mama, at pati kalamnan at mga nag-uugnay na tissues. Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng streltococcus bacteria, pero ang bilis kumalat ito sa kaniyang katawan."
"Kaya ka ba nag-doktor para magamot ang sakit ng mama mo?" Humigop na naman ako sa tasa ko.
Obvious naman. Nagtanong pa talaga ako? Jusko naman, Rue!
Gusto kong makita niya na wala lang sa akin ang lagay ng nanay niya, na hindi ako nandidiri, na ayos lang talaga.
Tumango si Marione. Umupo sa gilid ng kama habang hinahaplos ang mukha ng ina niya.
"Sino ba namang anak ang gustong makita ang ina niyang may necrotizing fascetis, 'di ba? At isa pa, ang mahal ng debridement. Hindi ko pa ma-afford ang gano'ng klaseng surgery. " Matamlay ang mga mata ng mangkukulam na napokus sa ina na.

BINABASA MO ANG
Ang Mangkukulam ni Rue
Mystery / ThrillerSa magkakaibigan, si Rue lamang ang wala pang nobya. Walang nakakaalam kung ano'ng tipo niyang babae. Wala rin namang nangahas na tanungin iyon dahil sa lahat ng magkakaibigan, siya ang pinakatahimik at medyo may pagkamisteryoso rin. Nagsimula ang...