I

861 25 8
                                    

Nakakapanindig-balahibo.

Iyong ang unang naramdaman ko habang pinapanood ang isang babaeng galak na galak sa kaniyang ginagawang kababalaghan. Mayroon siyang balingkinitin na kulay ng katawan, maganda ang pagkakatangos ng kaniyang ilong, at mapupula rin ang kaniyang mga labi. Kapansin-pansin din ang pagkabuhaghag ng kaniyang mahabang buhok, at bahagyang mapulula ng kaniyang mga mata. Nakadamit siya ng itim - mula ulo hanggang paa - at kapansin-pansin din ang kaniyang minamahal na maliliit na manikang nakalapag sa mesang gawa sa kahoy. Hawak-hawak niya ang isang babaeng manika na hindi lalampas sa isang pulgada ang laki.  Sa kaniyang kaliwang kamay naman ay isang malaking karayom, na paulit-ulit niyang tinuturok sa kaniyang manika, habang humahalak siya sa karimlan.

Mangkukulam.

Pinapalibutan siya nang mahigpit sampung mga kandila na kasingkulay ng din dilim. At sa kaniyang pagpapahirap sa manika, umaagos din ang mga luha nitong kalakip ay mga pighati.

"Isa kang taksil!" bulyaw nito, "Ang dapat sa 'yo ay mauuna na sa impyerno!"

Nagsisigaw siya habang hunahagulhol. Nanloko ang kaniyang asawa at mabilis siyang ipinagpalit sa iba, pagkatapos bilang malaman na hindi naman pala sila magkakaanak.

Kahit pala mangkukulam ay marunong din naman palang umibig.

                         •••

"P're, nagtotoma tayo para magdiwang. Ano ba naman 'to, oh! Wala naman sa usapan natin ang manood ng horror!" Ibinaba ng pinsan kong si Yohan ang basong wala ng lamang alak sa harapan ko.

Nawala tuloy ako sa konsentrasyon sa pinapanood kong pelikula. Hayop 'tong si Yohan kung makabasag ng trip. Tinago ko ang remote control sa ilalim ng sofa para hindi niya makita.

"Rue, patayin mo na iyan! Mas gusto ko 'yong bakbakan. Hindi iyong ganiyan."

"Pareho lang ang mga iyan."

"Ano?"

"May dugo," pasimple kong sagot, "At patayan din naman iyan."

Sa magkaibang paraan nga lang..

Hindi ko nga alam kung bakit kinahiligan ko ang horror movies, noon pa man. Naaalala ko pang nagnanakaw pa ako ng VCD sa kuwarto ng mga magulang ko para manood lang ng horror. Hindi ko alam kung bakit nabubuhayan ako ng dugo kapag nalalaman ko ang mga nakakaantig na istorya, sa likod ng isang nakakatakot na palabas.
"Ang tagal naman ni James. Nakakainip nang maghintay!"

Pareho kaming sumulyap sa malaking orasan na hugis-bilog, na nakadikit sa may dingding, katabi ng pintuan papalabas.

Alas-diyes na pala ng gabi. Dalawang oras na rin kaming nag-iinom. Dalawang oras na rin silang nakatanga sa loob ng apartment nila Yosef. Hanggang ngayon, ni anino ni James ay wala pa.

"Nasaan na ba iyang kapatid mo, Rue? Akala ko ba siya ang taya ngayon?" singhal nito na halatang may tama na.

Kinuha ko ang basong walang laman at nilagyan na naman ng alak. "Wala rin akong alam," matipid kong sagot.

Sa totoo lang, hindi naman nahuhuli sa usapan ang kapatid ko - ngayon lang. Kung anuman ang ginagawa iyon ngayon, malamang, may maganda iyong dahilan. Malas lang at naiwan ang cellphone ko sa bahay. Hindi ko siya matawagan kung nasaan na siya.

"P're, kailangan ko si James. Kailangan niya akong bigyan ng magandang advice. Diyahe naman 'yang utol mo, bigla-bigla na lang hindi sumisipot."

Mabilis na kinuha ni Yohan ang alak sa mesa, at tinungga na naman ito, na parang tubig lang. Kailan ba naging matinik sa advice patungkol sa pag-ibig ang transgender kong kapatid?

Ang Mangkukulam ni RueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon