Imbes 7 o'clock nang gabi ang usapan ay mas napaaga pa nang di hamak. Hindi ko na kailangan pang itanong kung anu-ano na ang takbo ng utak ngayon nina Ysabelle at iyong mga taong naka-witness sa eksena kanina.
Mukhang kailangan na niya itong samahan sa unibersidad simula bukas para ma-check ang kaligtasan ng mangkukulam. Taena. Kailan pa ako naging personal na bodyguard?
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Marione sa 'kin. Hindi man lang umaray o nanlumo sa nangyari. Buhat-buhat ko pa rin siya habang naglalakad. "May exam pa ako. Last subject pa, Rue. Bitiwan mo ako at kailangan ko pang mag-aral."
Seryoso? Aral pa rin kahit may ina siyang may sakit na iniwan namin sa resthouse? Aral pa rin kahit hindi pa kami nagsusumbong sa mga pulis?
"Ano ka ba, Marione!" singhal ko, habang di ko pa rin siya binababa. Si Yohan naman ay nasa likuran ko, sumusunod sa amin. "Seryoso? Uunahin mo pa 'yang exams na 'yan kahit na malaki ang sugat mo sa tuhod?"
'Di ko mapigilan ang hindi mainis. At mas naiinis ako sa sarili ko na mabilis lang akong inisin ng babaeng 'to. Nakakakulo talaga ng dugo sa sobrang katigasan ng ulo. Gustuhin ko mang unawain pero ang lalim ni Marione. 'Di ko kayang alamin kung ano ang takbo ng utak.
"Sabi nang bitaw, e!" Suminghal na rin ang mangkukulam na nanlilisik na rin ang mga mata. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak niya. "Hindi ko sinabi sa 'yo na tulungan mo 'ko o buhatin mo 'ko o ano! Ang gusto ko, tapusin ang exams ko!"
Hindi na ako magpapatinag sa mga matang 'yan. Hindi niya ako matatakot.
Mabuti na lang at hindi 'to mataba. Anak ng tokwa! Nasa kabilang building pa ang clinic.
"Hanep, Rue! Superhero ka na, may emosyon ka pa! Ngayon lang ako nakakita na bwisit na bwisit ka Rue! World record 'to!" pang-aasar pa ng tukmol.
Kitang-kita ko naman na nire-record ng gago ang lahat-lahat. 'Yong mukha ni Yohan, dinaig pa ang nanalo sa lotto.
Mamaya 'to sa 'kin. Taena niya!
"Sino ba 'tong payaso na 'to?" tanong ni Marione. "Bakit nakawala yata 'to sa perya?"
Palihim akong natawa sa banat niya. Payaso talaga? Mas okay na 'yong manok kong pang-aasar kaysa payaso niya.
"Yohan, Miss. At your service." Pangi-ngisi pa si Yohan sa tagiliran namin, hawak-hawak pa rin ang phone. "Magkaibigan pala kayo ni Rue? Sa clinic tayo pupunta, mangkukulam -- este Marione. Kailangan nang magamot ang sugat mo. Ang daming dugo, e. Hindi ka ba nasasaktan?"
Inirapan siya ni Marione at mas lalong napasandal ang ulo niya sa dibdib ko. Akala ko, maaamoy ko na ang lason at morphine pero hindi, e. Naamoy ko ang pabango nitong amoy rosas -- hindi bulaklak ng patay, kasi masarap amoy-amuyin.
Taena! Ano ba 'tong pinaggagawa ko?
"Mamaya ka sa 'kin kapag 'di mo titigilan 'yang pagkukuha ng pictures at videos." banta niya sa kaibigan ko.
Sa kaniya naman ngayon nakatingnin si Marione nang masama. "H-Huwag mo 'kong titingnan ng ganiyan, please. Gusto ko pa mabuhay. Gusto ko pang magka-lovelife!"
Akma pa 'tong nagtatago sa kabilang braso ko habang sinipat-sipat si Marione. Kumag na 'to, pasalamat siya at may buhat-buhat akong babae kundi kanina ko pa binatukan si Yohan.
"Burahin mo 'yan, Yohan." Nagbalik sa mahinahon ang boses ko. "Kung ayaw mong makatay ang baby mo."
"Huwag naman, Rue. Hindi ko pa siya naaya na makipag-date gamit ang baby ko!"
BINABASA MO ANG
Ang Mangkukulam ni Rue
Mystery / ThrillerSa magkakaibigan, si Rue lamang ang wala pang nobya. Walang nakakaalam kung ano'ng tipo niyang babae. Wala rin namang nangahas na tanungin iyon dahil sa lahat ng magkakaibigan, siya ang pinakatahimik at medyo may pagkamisteryoso rin. Nagsimula ang...