vi

232 12 3
                                    


Ang Lihim ni Rue
Kabanata VI

PART 1

"Hindi ka ba nahihiwagaan sa babaeng iyon?" tanong sa akin ni Yohan, habang magkaharap na nakaupo sa aming sala. "Isang mangkukulam pero gustong maging doktor."

Wala akong imik na kinuha ang pulang kabayo sa mesa at mabilis na ininom iyon. Ramdam ko ang mainit na pagkakahagod ng alak sa aking lalamunan. Mas gusto ko 'to kaysa sa wala akong maramdaman.

"Nakakasawa na," usal ko. "Nakakasawa ng siya lagi ang paksa niyo."

Nailing-iling si Yohan sa aking harapan habang kinukuha ang pulutang adidas at isaw na kakabili lang namin sa kabilang kanto. "Hindi, p're. May ano, e! May kakaiba. May kakaiba sa aura ninyong dalawa."

"Ano'ng aura?" kunot-noo kong tanong, bago kinagat ang dugo at nginunguya-nguya sa aking bibig.

"Pero Rue, seryosong tanong lang. Kasi sa aming lahat, ikaw lang talaga ang may chance na nakapag-one-on-one sa kaniya, totoo ba talaga ang na isa siyang mangkukulam?"

Napatigil ako.
Napaisip.

Mangkukulam nga ba si Marione?

Tinubig ko na ang pulang kabayo sa reyalisasyon na hindi ko na iyon masasagot pa.

"Maiba ako, p're. Bakit nga ba tayo nag-iinom ngayon sa bahay niyo? Kapag makita ka ng mama mo, yari na naman tayo."

"Tang-ina," malutong kong mura.

Natigilan si Yohan sa akin habang nakatingin sa akin nang direkta.

"Nagkakaganito ka lang kapag.." Hindi na sinundan pa niya ang susunod na salita sa kaniyang pangungusap. Alam niya na alam ko.

Tang-ina.

"Kasama na naman ni Mama ang lalaki niya," mapakla kong sambit. Mas mapakla pa sa alak na tinotoma namin. "Tang-ina lang. Gago lang iyong lalaking iyon. Ayaw tantanan si Mama."

Napabuntong-hininga na lang ako sa pinagsamang galit at pagtatampo. Hindi ko maintindihan si Mama. Bakit ganoon? Hindi pa ba kami sapat ni James para sa kaniya? Kailangan pa ba niyang hanapin ang liktik na pag-ibig na iyan sa iba?

Mas malala, halos kaedaran ko pa.
Tang-ina. Tang-ina lang talaga.

"R-Rue?" Isang malamig na boses ang nagpabalik sa aking isipan, at napalingon kaming lahat ni Yohan sa nakaawang na pintuan.

Si Mama.
Para akong timang na hinawakan nang ubod ng lakas ang bote habang walang halong emosyon ang aking mukha.

"Rue? Umiinom ka na namang bata ka!" singhal niya. "Alam mo bang hinahanap ka sa meeting ng mga board members? Alam mo naman na ikaw ang susunod sa yapak ng iyong yumaong ama, hindi ba?"

"Pasensiya na talaga, Tita." Si Yohan na ang sumagot.

"At ikaw, Yohan, bad influence ka talaga sa anak ko! Tigil-tigilan mo na iyang bisyo niyo."

"Bakit, Ma? Kapag titigilan ko ba 'to, titigil ka rin sa bisyo mo?" mapait kong buwelta. Salamat sa ispiritu ng alak, sinaniban ako ng lakas ng loob.

Ang Mangkukulam ni RueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon