I Do

19 0 0
                                    

"I hate you!" Sigaw niya sa akin.

"I love you naman. Ano ba kasi ginawa ko?" Tanong ko sa kanya.

"Nakikipagflirt ka dun sa mukhang higad na yon!" Sigaw niya ulit.

"Hindi naman eh. Hindi ko na siya lalapitan. Promise!" Sabi ko sa kanya.

"Promise?" Tanong pa ulit niya.

"Oo. Promise." Nakangiti kong sagot sa kanya habang niyayakap ko siya ng mahigpit. Para maramdaman niyang siya lang ang babaeng mahal ko.

"Wag mo akong ipagpapalit ha? Pag ayaw mo na sa akin gagayumahin kita para ako lang mahal mo. Wag kang hahanap ng sexy kasi hindi ka non kayang mahalin, ako lang ang pwedeng magmahal sayo. Saka kapag naghanap ka ng maganda, marami kang kaagaw. Sa akin wala kaya akin ka na lang." Parang bata na sabi niya.

"Hay. Ang mahal ko talaga. Hindi po ako maghahanap ng iba. Ikaw lang po ang maganda sa akin. Mahal po kita. Hinding-hindi po kita ipagpapalit. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL PO KITA!" Sabi ko sa kanya.

"MAHAL NA MAHAL DIN PO KITA!" Sigaw niya sabay halik sa pisngi ko.

"Victoria, parang sasabog na ang puso ko sa sobrang pagmamahal ko sayo." Sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Mahal din kita at hindi ko na nakikita ang sarili ko na hindi ka kasama." Sagot niya sa akin pagkatapos niyang tumawa.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon