"Ara, alam mo ba kung nasaan si Savier? Ilang linggo ko na kasi siya tinatawagan, hindi siya sumasagot. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Please tulungan mo ako." Pagmakakaawa ko sa kanya.
Sa kanya na ako lumapit dahil siya lang ang alam kong nakakaalam kung saan siya nagpupunta.
"P-pero--"
"Please, Ara. Ikaw na lang makakatulong sa akin. Nag-aalala na din ang pamilya niya sa kanya." Putol ko pa sa kanya.
Tumango siya at sinamahan ako. Pumunta kami sa isang subdivision at huminto sa isang bahay.
"Dito na lang ako, Vida. Ikaw na lang ang kumatok." Sabi niya sa akin.
Kabang-kaba ako ng mga oras na iyon. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung para saan pero iba ang pakiramdam ko.
"H-hindi ko kaya. Natatakot ako." Sabi ko kanya habang umiiyak at tinitignan ang bahay.
"Hindi ko alam na may bahay siya dito. Usually kasi nagkukwento siya sakin. Pero nitong ilang buwan, bigla na lang siya nagbago. Natatakot ako, Ara." Pag-amin ko sa kanya.
Hinawakan lang niya ang kamay ko.
"Si Savier lang naman ang pupuntahan mo dyan eh. Wag kang matakot." Sabi niya pa.
"P-pwede mo ba akong samahan? Please?" Sabi ko at tumango lang siya.
Bumaba kami ng kotse at nagdoorbell ako sa pinto ng bahay niya. Mas lalong dumoble ang kaba ko. Pumunta naman si Ara sa garden para bigyan kami ng space makapag-usap ni Savier. Hindi naman nagtagal ay may nagbukas ng pinto.
Si Savier na walang damit pang-itaas ang bumungad sakin. Halatang kagigising lang niya.
"Vida? Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong niya sa akin.
"S-savier, mag-iisang buwan ka na daw hindi umuuwi sa inyo. Nag-aalala na kami sayo, ako, si tita. Iyak na siya ng iyak. Umuwi na tayo. Tara na." Sabi ko.
"Teka. Paano mo nalaman to?" Pigil niya sa akin.
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman to. Umuwi ka na kasi alalang-alala na si tita sayo. Umuwi na tayo-"
"Hon, sino yan?" Tawag sa kanya ng boses sa loob.
Tumingin ako sa kanya ng nagtatanong dahil may tumawag sa kanyang boses babae sa loob.
"S-sino yun, Savier?" Tanong ko sa kanya pero di na siya nakasagot dahil lumabas na din yung nagmamay-ari ng boses na yun.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
Kilala ko ang babaeng kasama ni Savier dito sa bahay niya. Bestfriend siya ng kapatid ko.
"Sabihin mo sakin, Savier! Anong totoo?!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"A-ate..." Tawag sakin ni Gwen.
"K-karelasyon ko si Gwen, Vida." Pag-amin ni Savier.
"A-ano?" Pabulong kong tanong, hindi makapaniwala sa narinig.
"Please, let me explain, love. Please hear me out." Sabi ni Savier at hinawakan ang mga kamay ko.
"I-i'm sorry ate." Sabi naman ni Gwen.
Wala akong masabi at magawa sa mga nalaman ko.
"B-bakit?! Paano mo 'ko nagawang lokohin?!" Sigaw ko sa kanya habang sinusuntok-suntok siya.
"V-vida let me explain.." Awat niya sa akin.
"Sige nga! Sabihin mo kung paano nangyari ang lahat ng 'to!" Sigaw ko sa kanya.