The Thing About Men And Comfort

8 0 0
                                    

"Salvador, your boyfriend was with me last night. Nasabi niya ba sayo?" Salubong sa akin ng kung sinong babae.

Humarap ako sa kanya at tinitigan siyang mabuti. I know her. I know this bitch. Ito yung babae ni Gavin.

"Ano naman pakialam ko kung magkasama kayo?" Walang gana kong sabi sa kanya.

Matagal-tagal na din sila ni Gavin. Habang ako walang magawa kundi kulitin si Gavin.

"He was with me last night and all the other night na wala siya sa tabi mo. He even said that I made him fall in love again." Mayabang niyang sabi.

It hurt a lot but I didn't let her see that.

"Tang-ina! Anong sinasabi nito Chie?" Tanong ni Vic.

"Hayaan mo siya. Wala akong panahon sa babaeng yan." Sagot ko.

Kasama ko kasi sila ni Aena.

"Pakawalan mo na kasi si Gavin! Hindi na siya masaya sayo! I can make him happy better than you can!" Sigaw niya sa akin.

"Aww.. Kawawa ka naman. You're just Gavin's dirty secret. How low can you get? Imagine the most popular girl in the campus itinatago ng lalake niya kasi mang-aagaw ng boyfriend!" I smirked at her.

Nagalit siya kaya hinila niya ako. She held my face with her long nails that it stung. I pushed her at dahil nakaheels siya, natumba siya.

"Tara!" Sigaw naman ng kung sino.

Si Gavin. Itinayo niya yung babaeng yun. Galit siyang bumaling sa akin.

"What the fuck did you do?! Bakit mo siya sinaktan?!" Sigaw niya sa akin.

Yung babae naman nagpaawa na sa kanya.

"Whatever I did, she deserves it." Sagot ko sa kanya.

"We'll fucking talk later. I'm not done with you yet. Chinessa!" Madiin niyang sabi habang kapit ng madiin ang braso ko.

Hinila ko ang braso ko at umalis na doon. Pumasok ako sa mga klase ko at dumiretso sa bahay namin ni Gavin pagkatapos. Minsan na lang siya umuwi dito kaya hindi na kami nag-uusap. Lagi siyang umiiwas sa akin at halos di na ako matignan. Ramdam ko ang panlalamig niya at hindi ako tanga para hindi maramdamang may iba na.

Nagbibihis ako ng may padabog na pumasok sa bahay. Baka si Gavin na yun.

"Chinessa! Why did you hurt her?! Ano bang nangyayari sayo?! Hindi ka naman ganyan! Puta!" Sigaw niya sa akin.

"Kung anuman ang ginawa ko, I just protected myself." Sagot ko sa kanya.

"Protected?! Wala siyang ginawa sayo tapos tinulak mo na lang siya! Pinagtutulungan niyo siya nila Victoria!" Bintang niya sa akin.

Damn it! Damn that bitch!"

"Kung pinagtulungan namin siya, comatose na siya sa ospital, Gavin! Wag mo akong pagbintangan sa mga kasinungalingan ng puta mo because this is too cliche! Inuubos niyo ng putang yan ang pasensya ko!" Sigaw ko sa kanya sa sobrang galit sa kanya.

"Hindi siya puta! I fucking love her! And I won't let you hurt her again!" Sigaw niya sa akin at sinampal ako.

Napahawak ako sa pisngi ko sa hapdi ng ginawa niya. Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"I-i'm s-sorry. I-I didn't mean to h-hurt you." Sabi niya habang niyayakap ako.
I pushed him. I hate him! I fucking hate him!

"Get away from me!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi siya puta. She's my friend. She comforts me when we fight and when I feel pressured from work. You know, I feel suffocated with all this. Then us, we're not the same anymore. I feel so lost that I don't know what to do." Paliwanag niya.

"You love her? Bakit? Because I became the nagging bitch that you don't want? Nagsawa ka na kasi? Ayaw mo na kasi boring na 'tong relasyon natin kaya naghanap ka ng iba? Wag mo akong gawing tanga, Gavin! Naghanap ka ng comfort tapos nahulog ang loob mo sa kanya kasi yung mga bagay na wala sa akin nasa kanya. Hindi siya nagger at boring. Nakita ko na noon, I expected this. That you would just leave me when you're done with me. And now this is happening!" Sigaw ko sa kanya.

Damn this hormones! I won't fucking cry in front of him even if it hurts so damn much!

"I-i came here to break up with you." Nakayuko niyang sabi.

"No. I am breaking up with you. Ako dapat ang tumapos nito because you owe this to me for breaking me." Nanginginig kong sabi.

"Oo nga pala. I'm fucking pregnant." I said and threw the pt in front of him.

"Adios, Gavin. See you in hell, cheater." Sabi ko sa kanya at umalis na ng pamamahay na yun.

Bago ako pumasok sa school kanina ay nag-impake na ako ng mga gamit ko. Sumakay ako ng kotse ko at umalis na doon. I parked at a cliff and cried my heart out. Ang sakit-sakit ng lahat ng ito! Fuck them! Pagkatapos ay nag-ayos ako. I fixed myself because my child needs me strong. I wipe the blood from the cut on the side of my lips. Baka sa pagsampal sa akin ni Gavin.

Buti na lang last day na ngayon ng sem. Hindi na muna ako mag-eenroll dahil sa situation ko ngayon. I went home to house I bought when I found out I am pregnant and Gavin's cheatings. Dito ko na palalakihin ang anak ko. My parents won't approve of this but I'll cross the bridge when I get there. I'll focus first on my baby.

One year and five months after!

"Hello Ma. Kayo muna bahala sa kanila ha? Saglit lang naman ang klase ko. Babye." Bilin ko sa mama ko na nagbabantay sa mga anak ko.

"Uy Chie! Tara na! Lunch na." Aya ni Aena.

"Kayo na lang. Alam niyo na kailangan kong umuwi." Sabi ko sa kanila habang mabilis na nagliliigpit ng mga gamit ko.

Last year na at graduate na ako. Konting tiis na lang.

"Sige na nga. Sama na lang kami para makita namin yung mga inaanak namin." Sabi ni Vic.

Umuwi kaming bahay at doon na naglunch. Nilaro lang nila ang triplets ko pagkatapos kumain at ito namang tatlo walang kapaguran.

"Ang cute cute naman ni baby Xavien eh. Buti di nagmana kay Gavin na gago." Sabi ni Vic sa anak ko.

"Hoy! Ninang ka na kaya wag mong pakitaan ng mga kabulastugan mo yang mga anak ko!" Sabi ko sabay bato ng laruan sa kanya.

"Sakin ba talaga o sa nanay na pasimuno? Talaga namang gago si Gavin ah! Hanggang ngayon hindi man lang bisitahin ang mga anak! Ni hindi umattend sa birthday. Edi gago talaga yung tawag doon." Irap niya sa akin.

"Sira-ulo ka! Panay ang mura mo sa harap ng anak ko!" Sabi ko sa kanya sabay kurot sa kanya.

Tinawanan lang kami nina Aena. Kalong niya si Hugo habang kalong ko si Hera. Triplets sila. Ang hirap ngang bantayan lalo na at malilikot na sila. Mabuti na lang at habang napasok ako ay nandyan si mama at papa na aliw na aliw sa kanila. Nagalit sila sa nangyari sa akin at kay Gavin pero naintindihan naman nila. Si Gavin naman ay hindi binibisita ang mga bata. Hindi ko na rin inaalam ang tungkol sa kanya dahil wala ng saysay pa yun. Kung ayaw niya sa mga bata, di huwag. Wala namang kaso yun.

Umalis na yung dalawa kaya umuwi na din kami. Lagi akong may kasama na makakatulong sakin dahil hindi ko sila kaya buhatin lahat. Pag-uwi namin nilinisan ko sila at binihisan ng preskong damit, naglinis din ako kasama nila. Pagkatapos ay naglatag lang kami sa baba para makagapang sila. Nagharutan lang kaming apat. Pinicturan ko din sila dahil napakacute nila. Punung-puno ng laway ang mukha ko sa kakahalik nila. Maybe this is the happy ending for me. Their father was the evil prince but these three are the knight that saved me from pain.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon