The Lost Universe

14 0 0
                                    

Ang kalawakan lang ang tanging saksi kung paano nawasak ang tayo ng gabing yun.

"Hex, bakit mo pa ako hinanap?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kalawakan.

"Savi, kailangan kita. Please... Bumalik ka na sakin. Hindi ko kaya na wala ka." Pagmamakaawa mo naman.

"Kaya mo ba ako kailangan kasi wala siya sa tabi mo? Kasi Hex, kung yun ang dahilan, hindi tama yon." Mahina kong sabi sa kanya.

"Savi ano bang tama para sayo?" Tanong niya sakin.

Sa tanong niyang yun, alam kong unti-unti nang mabubuksan ang mga sugat na hinayaan na lang maghilom ng patago.

"Ano bang sinasabi ng puso mo, Hex? Sino ba ang tamang tao para sayo? Kase kung sasabihin mong ako yon, hindi ako maniniwala. Naglolokohan lang tayo kung patuloy akong maniniwala sa mga kasinungalingang gusto mong paniwalain ang sarili mo." Paliwanag ko sa kanya.

"Paano mo nasabing nagsisinungaling ako, Savi? Totoong mahal kita." Sabi niya.

"Siguro nga, mahal mo ako pero hindi yun sapat para ipagpatuloy ang relasyon na to. Kasi ayaw mong kumawala sa pag-ibig na nagdaan na, Hexein. Hindi naman kita pinipilit na mahalin ako. Wag mong pilitin na mahalin ako kasi ako yung nandito. Relationships doesn't work that way, Hexein. Hindi ka rin magiging masaya kung ganon." Sabi ko sa kanya.

Kahit gusto ko pang bumalik sa kanya, hindi na pwede. Masasaktan lang kami pareho kung ikukulong namin ang isa't isa sa relasyong hindi naman namin kailangan. Mahal ko siya. Hanggang doon na lang siguro yun.

"Savi naman... Mahal kita, maniwala ka naman. Oo naging gago ako pero nagbago na ako. Hindi ko na siya mahal pa. Savi please..." Pakiusap niya habang yakap ako ng mahigpit.

"Hexein, please wag mo ng pahirapan pa tayo. Kung mahal mo pa siya talaga, then be with her. Stop denying your feelings to yourself-"

"Savi, I am here! That's why I am here! To be with you! Napakahirap bang paniwalaan na mahal nga kita?" Hirap niyang sabi.

Umiling-iling ako sa sinabi niya.

"I've seen how you chased her and long for her love, how come na umalis lang ako ay mahal mo na ako, Hexein?" Hamon ko sa kanya.

"Mahal kita. I may not have sang a song for you or about you but I've written hundreds of letters and songs for you. Hindi ko masabi sayo ang lahat ng nararamdaman ko dahil natatakot ako sa kakaibang nararamdaman ko. Hindi ganito ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya. Mas malalim, mas malakas at nakakapanghina. I'm sorry I made you feel a rebound and an option." Sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Hindi mo na ako makukuha sa matatamis mong salita, Hexein. Sa tingin mo ba Hexein, dahil lang don ang lahat ng nararamdaman ko? Na dahil may isinulat kang kanta para sa kanya, nagseselos na ako? Hindi lang ito hanggang doon. Minaliit na nilang lahat ang pagmamahal ko sayo, hindi ko akalaing ganon ka din. Ayaw ko na nung pakiramdam na parang ako pa ang umagaw sayo sa kanila at nakikihati lang ako. Hindi ko na kayang balikan pa iyon." Naiiling kong sabi habang nakapikit at pilit iwinawaglit sa isip ang mga masasamang ala-ala.

"I'll win you back, babe. I'll fucking win you back." Sabi niya habang yakap ako ng mahigpit.

Kalawakan na lang ang bahala sa tadhana namin.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon