I Won't Give Up On Us, Baby

9 0 0
                                    

"Gabriel, itigil na lang natin to! Hindi mo kasi naiintindihan! I am depressed! I am fucking sad! Hindi na makakabuti sayo ang relasyon natin! This will kill you! I will ruin you!" Sigaw ko sa kanya.

"Asiana naman! Ganito na lang ba ang gagawin mo satin because of your depression?! Kaya natin to! I will stay by your side until you heal. I will help you heal!" Hirap niyang sabi sa akin.

"Hindi mo kasi naiintindihan! Mapapagod ako! Paulit-ulit akong mapapagod lumaban at paulit-ulit akong susuko, Gabriel! Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang labanan to kasi napapagod na ako. At may ibang babaeng darating at hindi kita kayang ipaglaban! Hindi ko kaya! Uubusin ka ng kalungkutan ko hanggang sa mapagod ka! Hanggang sa magsawa ka sakin! Paulit-ulit kang susubukin ng kalungkutan ko! Ang pasensya mo, ang pagmamahal mo, ang oras mo, ang lahat sayo! Hindi ko hahayaang ako mismo ang sumira sayo!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

Hindi ko na alam kung pano pa siya itataboy. I'm not stable kaya ayokong mastuck siya sa akin. Kahit masakit, kahit malungkot gagawin ko ito para sa kanya. Kahit magiging mag-isa na lang ako sa lahat ng ito.

"Asiana...." Nagmamaka-awang tawag niya sa pangalan ko.

"Asiana naman.... Bakit naman ganito? Why are you pushing me away, baby? Kaya ko naman gawin ang lahat para sayo. I can always sacrifice just to be with you. I just want to be with you, always. Why are you doing this to me, baby? You're hurting us. Asiana kaya ko naman magstay." Nagmamaka-awang sabi niya sa akin habang yakap ako ng mahigpit.

"Yun na nga. Kaya mong bitawan ang lahat para sa akin. Pano ka? Pano ang pangarap mo? Bibitawan mo na lang yon dahil sakin. I won't ruin you and your dreams just because I am miserable. Sabihin mo sa akin, pano ka? Puro ako na lang ba?" Sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin.

Mahal na mahal ko siya at ito lang ang paraan ko para mahalin siya. I have to let him go because I am stopping him from reaching his dreams.

"Please, baby wag naman ganito. Mas mahalaga yung pangarap ko kaya bibitawan mo ako? Asiana naman pwede ko yung abutin kahit kasama ka bakit ganito? Itatapon mo na lang ang lahat satin dahil dyan sa condition mo? Baby please don't give up on us." Pakiusap niya habang umiiyak pa rin sa balikat ko.

"Natatakot lang ako na dumating yung araw na nasira kita, na kinamumuhian mo na ako at napagod ka na sa akin." Bulong ko sa kanya.

"Hear this, baby. All those dreams are worthless without you. Ikaw ang kalahati ng mga pangarap na yon. Yes, I want to play basketball. But I want to play basketball while you are watching. I want to win every game while you are cheering for my name. Kalahati ka ng pangarap na yon. Those weren't dreams if you are not beside me. Always remember that, baby. I love you." Sabi niya habang nakakulong ang mukha ko sa mga palad niya.

Tumango ako sa kanya. He wiped my tears with his thumbs.

"I said I love you, baby." Ulit pa niya.

"I love you." Bulong ko sa kanya.

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon